Connect with us

Stories

Isang Dalaga, Nainis sakanyang Ate Dahil Lagi itong Humihinge sakanya ng Pera, Pero Makalipas ang Isang Taon Naguilty siya sa Totoong Dahilan

Isa sa mga kahanga hanga na ugaling pinoy ay ang pagiging mapagmahal nito sa pamilya, dahil halos lahat ng pinoy ay family first bago ang sarili.

Katulad nalang ng viral exchange of text messages ng magkapatid na ito kung saan makikita sa ate na kahit may iba ng priority ito dahil may sarili ng pamilya ay hindi padin niya pinabayaan ang kapatid at gumawa ito ng paraan upang masigurado na may maitatabi itong pera.

Viral sa social media ang palitan ng magkapatid na ito, sa unang bahagi ng text messages makikita na nagtext ang ate sa bunso niyang kapatid kung saan tinatanong nito kung may extra ba itong pera at kung maari siya munang makahiram dahil wala pa itong sahod.

“Bunso?- text ng ate”

“Oh bakit ate? – reply ng bunso”

“May extra kapabang pera dyan? Pahiramin mo naman ako kahit 500 lang oh. Wala pa kasi akong sahod e.” – text ng ate.

Nagtaka naman ang bunsong kapatid dahil ang alam niya ay may trabaho na ang kanyang ate.

“Di ba nagtuturo kana? – reply ng bunso.”

“Wala pa akong sahod e. Ibabalik ko naman. –  reply ng ate.”

Pinahiram naman ito ng bunso at na ngako ang ate na ibabalik niya naman daw ito agad.

Sa sumunod na buwan, muling nagtext ang ate sa kanyang kapatid at nagtanong na kung sumahod na ito. Muling humingi ng pabor ang ate kung maaring makahingi ng 800 dahil gipit lang ito.

 “Bunso? Bunso? Sumahod kana diba? Pahingi naman ng 800 pandagdag pang gatas ni Baby Josh. Gipit talaga ako ngayon e.” – text ng ate.

Hindi naman nagustohan ng bunso ang muling paghingi ng ate at sinabi nitong,

“E bakit wala bang pera yang asawa mo? Bakit sakin ka humihingi?”- reply ng bunso sa ate.

Sagot naman ng ate niya na,

“May trabaho naman ang Kuya Rick mo kaso gipit talaga e. Please?”-reply ng ate.

Dahil buwan buwan ang paghinge ng kanyang ate, hindi napigilan ng bunso na isumbat sakanyang ate na parang kargo niya ang pamilya nito na simula mawala ang kanyang mga magulang ay lagi nalang ito umaasa sakanya.

“Ano ba yan? Buwan-buwan na lang ako nagpapadala sayo ah?

Simula ng mawala sila Mama at Papa parang kargo ko na kayo mag-asawa. Ako tong bunso ah.?

Sige magpapadala ako mamaya ng 800.

Halos isang taon na yata akong nagpapadala sayo buwan-buwan e.” – sagot ng bunso sa ate.

Humingi naman ng pasensya ang ate at sinabi nito na ibabalik naman daw niya ang mga hiniram nito sakanya.

“Pasensya kana ha. Wag kang mag-alala ibabalik ko din sayo mga hiniram ko.”- reply ng ate.

Nagpatuloy ang paghinge ng ate sa kanyang kapatid ng isang taon at niisa sa hiniram ng kanyang ate ay walang naibalik.

Makalipas ang isang taon nagtext ang bunsong kapatid sa kanyang ate at sinabi nito na uuwi na siya sa probinsya dahil natangal ito sa trabaho.

“Ate! Uuwi na ako dyan sa probinsya” -text ng bunso.

“Ha? Bakit?” – reply ng ate.

“Natanggal ako sa trabaho ko.”-text ng bunso.

“Paano yan? Hindi ka maghahanap ng trabaho?”- reply ng ate.

“Hindi na muna. Pamasahe na lang pauwi ang pera ko e.” – paliwanag ng bunso.

“Ah sige. Umuwi kana dito.” – reply ng ate.

Tinanong naman ng bunso kung okay lang sa ate dahil magiging kargo niya ito at wala siyang maitutulong sa mga gastusin dahil wala itong trabaho at pera.

“Okay lang ate? Kargo mo pa ako nito. Wala na akong pera dito at di ako makakatulong sa gastusin niyo.” – text ng bunso.

Nagulat naman ang bunso sa ibinunyag ng kanyang ate, ipinaliwanag nito kung bakit kada buwan humihinge ito ng pera sa bunso, ipinaliwanag nito sa kanyang reply na,

“Sino nagsabi sayong wala ka ng pera?” Alam ko ang lifestyle mo. Kapatid kita e. Kaya kahit paunti-unti humihingi ako ng pera sayo para magbukas ng bank account mo kasi alam ko na mawawala agad ang pera mo. Tinitiis ko mga masasakit na salita na binibitawan mo. Ganun kita kamahal. Ikaw na lang kakampi ko e. Tayo lang dalawa ang magkapatid. 

Kaya umuwi kana dito dahil excited na ang mga pamangkin mong makita ka. Mahan na mhal ka ni Ate, bunso. – paliwanag ng ate kung bakit siya laging humihinge ng pera noon sa bunso.

Naiyak naman ang kanyang kapatid at huminge ito ng patawad sakanyang ate na halos isang taon niya din sinungitan dahil sa madalas nitong panghihinge sakanya. Ang hindi niya alam lahat pala ng hinihinge ng kanyang ate ay napupunta sa kanyang bank account na mismong ate din niya ang nagopen para sakanya.

 

 

 

 

 

 

 

error: Content is protected !!