Isang Bibong Bata ang Nagviral sa Social Media Dahil sa Kwelang Hugot Lines nito

Sa Panahon ngayon, karamihan ng mga tao ay mayroong pinagdadaaanan o pagsubok sa pag-ibig. Araw- araw nakakarinig tayo ng Hugot line kahit saan tayo pumunta. Karaniwan mo rin itong maririnig sa mga kabataan lalong lalo na sa mga Millenial.







Maging sa Social Media katulad ng facebook, twitter at instagram ay makikita niyo na marami ang gumagamit ng hugot lines. Ang iba ay pasadyang nagbibiro lamang , ang iba naman ay talaganag may pinagdadaanan sa buhay.

Kaya naman naging viral ang video ng batang ito na umani ng mahigit sa 474,000 likes, 24,0000 comments, at 275 share sa facebook. And video ng bata ay tumagal ng Dalawang minuto na naglalaman ng iba’t ibang klaseng hugot line, isa na rito ay tungkol sa mga nagiging tulay lang sa Relasyon ng iba.

Narito ang mga hugot lines na sinabi ng bata na talagang kinagiliwan ng marami:

“Oh bes, first day of school, excited? Uy, super excited si teh. Alam ko na, makikita mo ulet si crush? Uy, cheeks mo nagbablush. Tapos lalapitan ka niya. Tapos ikaw kilig ang peg sa kanya. Kasi very sweet siya sayo. Kaya ikaw si ‘asa.’ In the end, bestfriend mo pala ang trip niya. Tulay ka lang pala. Kaya sila happy. Ikaw, nganga!”

May Hugot line din ang batang ito patungkol sa pagiging “Friend Zone” o sitwasyon na hangnggang pagkakaibigan lamang.




“Yes, kaibigan mo ko. Kaibigan mo lang ako! And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend.”

“Kaya ang dami ng nafrifriendzone. Senti senti tapos iiyak. Iisipin, ang puso wasak. Hindi porke’t pinili ka niya bilang kaibigan, hindi ka nya mahal. Nakabuti pa nga yun eh dahil pinili niya lang kung saan kayo magtatagal.”

Tingnan ang video dito:




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *