Connect with us

Stories

Isang Batang Badjao Umani ng Paghanga Dahil sa Napakaganda nitong Itsura at Pagkakahawig nito sa Aktres na si Lovi Poe

  • Viral sa social media ngayon ang isang batang Badjao na may pagkakahawig sa aktres na si Lovi Poe.
  • Hindi napigilang kunan ng isang netizen habang nakasakay sa Jeep ang napakagandang bata.
  • Umani ng paghanga at awa ang mag-ina dahil sa kanilang sitwasyon.

Usap-usapan sa social media ang batang ito na may mala artistahing kutis at itsura, ayon sa mga netizens batang bersyon umano ito ng sikat na aktres na si Lovi Poe.

Sa morena nitong kulay, makinis na kutis at napakagandang hugis ng mga mata at labi, walang duda na malaki ang potensyal ng bata para maging isang artista.

Photo credits: youtube

Ayon sa kumuha ng video na si Rona Toledo, natuwa lang daw siya sa bata kasi ang ganda nito at parang kamuka ito ng aktres na si Lovi Poe,

“Natuwa lang ako sa bata kasi ang ganda nya parang si Lovi Poe nakasabay ko sa jeep kanina, may naalala ako ng maliit ako pero makikita mo sa nanay niya na mahal na mahal niya ung anak niya swerte pa din ng bata kasi ang ganda niya talag.” – pagbabahagi ng ni Rona.

Hindi naman napigilang maawa ng netizen sa maghina at ang hiling ng mga ito ay sana ay matulungan ang dalawa dahil umano malaki ang potensyal ng bata dahil sa maganda nitong itsura at sana ay magamit niya ito upang magkaroon siya ng magandang kinabukasan kagaya ng ilan sa mga kagaya niyang badjao na may itsura na nabigyan ng magandang break at oportunidad para sumikat at umahon sa hirap ng buhay.

Photo credits: youtube

Isang netizen naman ang pumuna sa pagkuha ng video ng walang permiso, ayon sa netizen na ito,

“Hopefully this video was taken with permission, especially since she’s a minor. We have laws protecting individual privacy. Note Please don’t take this inquiry negatively. Agreeing how beautiful the young lady is. Just hoping that it would be Pinoy’s practice to ask permission first before taking someone’s picture or video especially if there’s a minor.” –  saad ng isang netizen.

Isang netizen din ang nagsabing nakasabay niya ang mag-ina at sinabing parang yung nanay ng bata ay nawawala sa sarili dahil kung ano ano daw ang sinasabi nito. Hindi din umano nagbayad ang mag-ina ng bumaba ito sa jeep pero bangit ng netizen ay nagpasalamat naman daw ang mga ito.

Photo credits: youtube

“Saan nyo po siya nakasabay, nakasabay ko rin sya, yung nanay ng bata parang nawawala sa sarili kasi simula sta cruz salita ng salita kung ano ano po ang sinasabe mga tama naman mga sinasabi niya tapos nung nasa pagsanjan kami bumaba na sa plaza hindi sila nagbayad pero nag thank you naman sila mag ina, yung bata nga ang ganda at yung aso mahal na mahal nila, kawawa nga yung mag ina.”

Magandang bata tiis lang nene paglaki mo ikaw ang tutulong sa nanay mo mag sikap ka. Sa mga pasahero sana mayroon din makaunawa sakanila kahit libring pamasahe nalang ninyo sila o yong bata man lang.” – komento ng isang netizen.

Dahil sa mala artistang kagandahan ng bata, atalagang marami ang nabighani sakanya, ang ilan pa nga ay gustong tulungan ito. Nawa’y mabigyan ng malaking break ang batang ito upang magamit niya ang kanyang kagandahan upang daan para makaahon sila sa kahirapan.

 

error: Content is protected !!