Connect with us

Entertainment

Isang Babae Naging Inspirasyon Sa Marami Matapos Umasenso at Makamit Ang Mga Pangarap Dahil Sa Pagtitinda ng Ukay-Ukay

Tunay nga na gaano man kahirap ang daan patungo sa tagumpay ay hindi imposibleng marating ang inaasam na tagumpay kapag pinagsama ang sipag, tiyaga, determinasyon lalo na kapag may kasamang dasal.

Naging inspirasyon sa marami ang isang babae dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa pagtitinda ng mga ukay-ukay ay nagawa niyang umasenso at makamit ang mga pangarap sa buhay. Marami nga ang pinabilib ni Rachel Lucañas dahil sa kanyang sipag at pagtitiwala sa sarili ay nagawa niyang makamit ang tagumpay sa kanyang ukay-ukay business.

Hindi naman maikakaila na marami ang nahuhumaling sa ukay-ukay bukod kasi sa mura, ay napakaganda rin ng quality ng mga ukay. Ito nga ang patok na negosyo ngayon, ngunit sa dami ng nagnenegosyo ng ukay-ukay ay hindi naman lahat ay pinalad na magtagumpay.

Photo credits: Rachel Lucañas | Facebook

Ngunit, sa kwento ni Rachel gaano man nga kahirap ang makabenta, ay hindi sumuko si Rachel, sa halip nga ay nagpatuloy sa pag-abot ng kanyang pangarap sa tulong ng ukay-ukay. Hindi naman nabigo si Rachel, at pinatunayan nga na kayang-kaya niyang mapalago ang kanyang negosyong ukay-ukay.

Photo credits: Rachel Lucañas | Facebook

Nang nagsisimula pa lamang si Rachel sa kanyang ukay-ukay business ay marami naman ang kumuwestiyon sa kanyang naging desisyon. Ito nga ay dahil nakapagtapos si Rachel ng pag-aaral sa kursong Bachelor of Elementary Education sa Bulacan Agricultural State College.

Photo credits: Rachel Lucañas | Facebook

Inamin ni Rachel na bago niya makamit ang tagumpay sa ukay-ukay business ay hindi madali ang kanyang mga pinagdaanan lalo na nga’t nakatanggap siya ng panghuhusga mula sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi naman pinanghinaan ng loob si Rachel, kahit nga walang kinalaman ang kinuhang kurso sa pagpapatakbo ng negosyo, ay pinatunayan niya na kaya niyang mapalago ang kanyang negosyo.

Photo credits: Rachel Lucañas | Facebook

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na mahirap ang buhay sa gitna ng pandemya, ngunit hindi naman ito naging hadlang kay Rachel. Bagkus nga ay ito pa ang kanyang naging daan para mapalago niya ang kanyang negosyo, at talagang pumatok sa marami ang ukay-ukay.

Photo credits: Rachel Lucañas | Facebook

Samantala, nang simulan ni Rachel ang kanyang ukay-ukay business ay nagsimula lamang siya sa isang bulto ng mga damit na kung saan ay kanyang ibinenta online. Siya na rin mismo ang nagsisilbing modelo ng kanyang mga itinitindang damit. Bukod nga rito, ay siya rin ang nagbebenta at nag-aasikaso ng mga orders. Bagama’t, matrabaho at talagang nakakapagod ang pagtitinda ng ukay-ukay, ay naging matiyaga si Rachel.

Photo credits: Rachel Lucañas | Facebook

Hindi nagtagal ang kanyang sipag, tiyaga at determinasyon ay nagbunga nga sa huli. Sa ngayon ay nakapagpatayo na siya ng sariling warehouse at nakabili na rin ng van na malaki ang maitutulong sa kanya sa pagdeliver ng mga orders.

Hindi naman nakalimutan ni Rachel ang kanyang pamilya na kanyang naging sandigan habang hinaharap ang mga pagsubok na kaakibat sa pagnenegosyo. Kaya naman, ang tagumpay na tinatamasa niya ay alay niya para sa kanyang pamilya. Masaya rin si Rachel dahil sa tulong kanyang ukay-ukay business ay nagawa na niyang ipaayos ang kanilang bahay.

error: Content is protected !!