Connect with us

Inspiring

Isang Babae na Pinalayas ng mga Magulang Dahil Maagang Nabuntis, May Sarili na Ngayong Negosyo at Malapit na Magka Sariling Bahay

Mapalad ang mga kabataan na laging nasusunod ang mga gusto. Nakukuha nila ang mga bagong gadgets, mamahaling mga damit, at nakakapasok sa mga prestihiyosong paaralan. Hindi na rin nila kailangang isipin ang mga gastusin ng kanilang pamilya. Ngunit, karamihan sa kanila ay inaabuso ang kanilang yaman. Napapagtanto lang nila ang kahalagahan ng pera kapag sila ay matanda na at may pamilya.

Sa isang social media post ni Jenna Yna, ibinahagi niya na lumaki siya sa may kayang pamilya kaya naman lahat ng luho niya ay binibigay ng mga magulang. Aminado rin si Jenna na laman siya ng iba’t ibang party kahit noong nag-aaral pa siya. High school pa lamang siya ay natuto na siyang uminom ng alak at mag-cutting classes. May pagkakataon din daw na siya ay nasuspend noon. Sa edad nga na 19 anyos ay maaga niyang ipinagbuntis ang kaniyang anak na lalaki.

Photo credits: Chinkee Tan | Facebook

Noong una naman ay maayos ang lahat. Naging US citizen pa nga ang kaniyang anak. Naipagpatuloy din niya ang kaniyang pag-aaral, nakapagtapos ng may kursong BS Nursing, at naging lisensyadong nurse. Ngunit kalaunan ay pinalayas sila ng kaniyang tatay.

Photo credits: Chinkee Tan | Facebook

Dahil dito, nabago ang buhay ni Jenna. Naging pursigido siya na kumita at umangat para sa kaniyang anak. Nagsimula siyang magtayo ng iba’t ibang negosyo katulad ng ice cream shop na naging matagumpay naman. Nai-feature na rin ang kaniyang negosyo sa iba’t ibang TV shows. Ngunit naubos rin ang kaniyang kita sa mga luho kaya naman wala siyang naitabing ipon. Naapektuhan rin ang kita ni Jenna noong nagsimula ang pandemiya.

Photo credits: Chinkee Tan | Facebook

Photo credits: Chinkee Tan | Facebook

Maging ang bago niyang negosyo ay agad na nagsara. Dahil dito, napagtanto ni Jenna ang kahalagahan ng pagiging masinop sa pera. Sumubok ulit siyang magnegosyo at nangako siya sa kaniyang sarili na matututo na siyang mag-ipon at maging mas masinop. Sabi nga niya sa kaniyang post,

Photo credits: Chinkee Tan | Facebook

Photo credits: Chinkee Tan | Facebook

“This pandemic has taught me not only to be tough but to SAVE EVERY PESO you have.” Nagkaroon din siya ng pangarap ngayon na magpatayo ng sariling bahay, “During pandemic nakapag open pa ako ng bago ulit negosyo, at ngayon ay CEO na ako ng brand na binuo ko.. nangangarap na ako magkabahay para mabawi ko lahat ng sakit na naramdaman ko nung pinalayas kami sa tahanan namin…”

Hindi maiiwasan ang mga pagsubok at pagkakamali pero ang importante ay ang pagbangon at ang mga aral na ating napupulot.

error: Content is protected !!