Nakakatuwang lubos ang mga aso. Sila ay nakatatanggal ng pagod mula sa isang nakakabanas na araw sa eskwelahan o maging sa trabaho. Wika nga ng iba, sila ay pawang “Man’s Bestfriend”. Sila ay malapit sa kanilang mga amo at talagang magtatagal hanggang sa pagpanaw ng mga ito.
Marami na marahil ang ating mga naririnig na kwento ng mga asong naghintay sa kanilang mga yumaong amo. Ang isa sa mga ito ay mga nagviral na kwento ng isang asong naghintay sa pagbabalik ng kaniyang yumaong amo sa isang istasyon ng tren, at iba pang kwentong na maaaring nabasa natin sa social media.
Isang German Shepherd mix breed na pinangalanang Capitán ang asong tampok sa artikulong ito. Siya ay regalo sa noo’y labing-tatlong taong gulang na si Damian ng kanyang ama na si Miguel Guzman. Si Capitán ay lubos na masiyahin, aktibo at malambing na aso.
Naging maayos at masaya ang pagsasama nila, ng biglang yumao si Miguel Guzman, taong 2005. Sa panahong yaon ay nawala rin umano si Capitán at inakala ng pamilya na naglayas na ito at nakakita na ng bagong amo na mag-aalaga sa kanya.
Ayon sa asawa ni Miguel ay gulat ang buong pamilya ng sila ay bumisita sa puntod nito at matunghayan na natutulog ang aso sa harapan ng puntod ni Miguel.
Magkahalong tuwa, pagkamangha at di makapaniwala ang nangibabaw sa bawat isa. Sinigaw ni Damian ang pangalan ng aso at kumahol ito at tumakbo papunta sa kanya.
Matapos ang eksena ay masayang sumama ang aso pabalik sa kanilang bahay subalit hindi ito nagtagal sapagkat napagtanto nilang muli itong bumalik sa sementeryo at naglagi ulit sa puntod ni Miguel. Permanente na itong naglagi sa puntod ng pumanaw na amo noong taong 2007.
Palaisipan pa rin sa pamilya na kung paanong nalaman ng aso ang puntod ni Miguel sapagkat hindi manlang nila nadala ang aso sa pinaglagakan ng bangkay nito. Ayon sa pamilya ay matapos maospital ni Miguel ay naglagi na agad ito sa isang funeral home na malayo sa kanilang bahay.
Ayon sa direktor ng sementeryo na si Héctor Baccega, maaalala niyang pabalik balik umano ang nasabing aso na noong panahon lang niya nakita at animo’y may hinahanap. Sumunod itong huminto sa harapang ng puntod ni Miguel Guzman.
Ito na ang nagsilbing himlayan ni Miguel sa loob ng labing-isang taon mula ng mamatay ito at sinamahan siya ni Capitán sa himlayan ng mamatay rin ito sa edad nitong labin-limang taon.
Ayon kay Baccega ay wala umanong nagdala sa aso sa sementeryo, bagkus ay ito lang mag-isang biglaang sumulpot sa lugar at animo’y di mapakali at may hinahanap na importanteng bagay. At umano’y tuwing papatak ang alas sais ng gabi ay pupunta siya at hihiga sa puntod ni Miguel.
Samantalang buong araw ay kasa-kasama niya nito sa paglalakad sa lawak ng sementeryo subalit ang oras ng alas sais ay parang mahalaga para sa aso at doon siya nagpapahinga ng mga oras na iyon.
Ayon sa isang local veterinarian, umabot na umano sa punto ng sukdulang edad ang aso at maaaring mamatay rin ito kung kanilang ilalagi sa ospital kaya hinayaan nalang nila ito na sa sementeryo na maglagi at tuluyang mahimlay.
Dahil sa palagiang pag-iikot ni Capitán sa sementeryo ay gulat ang mga trabahador ng sementeryo noong isang araw na hindi nila ito natunghayan na nag-iikot sa loob. Kinalaunan ay natagpuan nalang nila itong wala ng buhay sa isa sa mga palikuran sa loob ng sementeryo.
Talaga namang kaantig-antig ang kwento ng isang among nahimlay na at isang tapat na aso na hahamakin ang panahon para lamang hintayin ang muling pagbabalik ng kaniyang pinakamamahal na amo.
Di man natin batid kung alam nitong di na babalik kailanman man ang kanyang amo, ay lubos naman na hahangaan natin ang katapatan nito na hanggang sa kamatayan ay pinili niyang mahimlay malapit sa kinatitirikan ng yaong puntod.
Tunghayan ang video dito: