Connect with us

Inspiring

Isang Ama na Tatlong Dekada Nagtrabaho Bilang Security Guard Sinurpresa ng Kanyang Apat na Anak na Napagtapos niya ng Pag-aaral sa Huling Araw nito sa Trabaho

Lahat ng mga magulang ay hangarin na makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak, kaya naman talagang iginagapang nila ang pag-aaral ng mga ito sa kabila ng hirap ng buhay. Tulad na lamang ng security guard na si tatay Tereso “Terry” Ampong, na dahil sa kanyang mahigit 3-dekada na pagtatrabaho bilang isang security guard sa isang bangko sa San Juan, Manila ay nagawa niyang mapagtapos ang apat niyang anak sa kolehiyo.

Ngayon nga ay dumating na si tatay Terry sa punto ng buhay niya na kinakailangan na din niyang magpahinga sa trabaho, kaya naman sa mahigit 35-taon na pagtatrabaho niya bilang security guard ay kamakailan lamang ay nagretiro na siya.

Sa huling araw naman ni tatay Terry sa kanyang trabaho, ay hindi niya inaasahan na makatatanggap siya ng sorpresa mula sa kanyang pamilya. Noon ngang ika-15 ng Hulyo 2022 ang huling araw ni Tatay Terry sa kanyang trabaho, at ang kanyang pamilya ay gumawa ng paraan upang maipagdiwang ang early retirement ng haligi ng kanilang tahanan, na talagang nagtaguyod sa kanilang pamilya ng ilang taon.

Photo credits: Sei Therese Spiers | Facebook

Makikita sa Facebook post ng isa sa mga anak ni Tatay Terry na si Therese Spiers ang naging pagbabahagi niya ng larawan nilang pamilya na kinunan sa labas ng bangko kung saan nagtatrabaho ang kanilang ama. Kalakip ng larawan ay ang madamdamin niyang mensahe ng pasasalamat para sa lahat ng sakripisyo ng kanilang ama para lamang silang magkakapatid ay mapagtapos sa kolehiyo.

“Last Friday nagpunta kami sa work place ni Papa kasi last day na niya. Naa-early retirement na siya. More than 35 years na rin siya sa Metrobank.”

Dahil sa trabaho niya, napagtapos niya kaming apat niyang mga anak.

“Kahit mahirap ang buhay, at marami kaming napagdaanan, pinilit talaga ng tatay ko makatapos kaming apat.”

“Thank you Papa sa lahat ng sakripisyo.”

Nag-viral naman ang kuwento ni Tatay Terry sa social media dahilan para siyang makapanayam ng media, at ang panayam na ito sa kanya ay maipalabas sa programang Eat Bulaga. Sa nasabing panayam ay ibinahagi naman ni Tatay Terry ang naging reaksyon niya ng dumating sa kanyang workplace ang buo niyang pamilya sa huling araw niya sa trabaho.

“Na-touch ako nung dumating sila, hindi ko alam eh. Nagulat ako eh… Di ko na lang pinakita sa kanila pero naiyak talaga ako”, ang naging saad ni Mang Terry sa segment ng Eat Bulaga na Bawal Judgemental na inere noong ika-11 ng Agosto ng kasalukuyang taon.

Ibinahagi din ni Tatay Terry sa panayam sa kanya na ang bangko mismo ang nag-required sa kanya na maging alerto at maingat, lalo na at minsan na niyang naranasan ang maka-ingkwentro ng mga bank robbers.

Tunay ngang iba ang pagmamahal at sakripisyo ng isang magulang, at napakarami na nating narinig na nakakaantig na kuwento ng mga magulang na nagsusumikap at nagtatrabaho ng husto para maitaguyod ang kanilang pamilya.

Photo credits: Sei Therese Spiers | Facebook

Ilan lamang sa mga nakakaantig na kuwento na nag-viral din, maliban sa kuwento ni Tatay Terry, ay ang kuwento ng 45-taong gulang na ama na dati ring security guard na isinantabi muna ang pangarap niyang pag-aaral at pangarap na maging guro para maitaguyod ang kanyang pamilya ngunit ngayon ay nabigyan na ng katuparan ang kanyang pangarap. Nakakaantig din ang kuwento ng 91-taong gulang na si Lolo Pedring na sa kabila ng kanyang edad ay matagumpay siyang nakapagtapos ng senior high school, ito ay matapos nga niyang unahing mapatapos ng pag-aaral ang anim niyang anak.

error: Content is protected !!