Connect with us

Inspiring

Isang Ama na Namamasada ng tricycle at Nagsasaka, Napagtapos ng Dentista at Pharmacy ang Kanyang Dalawang Anak

Bawat sakripisyo ng mga magulang at lahat ng kanilang ginagawa ay isa lamang ang kanilang hangad, ito ay ang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Kaya naman tunay na ikinaliligaya nila kapag ang kanilang mga anak ay nakita nila na naging matagumpay sa buhay.

Pagdating sa usaping sakripisyo ng magulang, ay isa na namang nakakamanghang kuwento ng isang ama ang ating matutunghayan, na talagang nagpa-antig sa damdamin ng marami nating kababayan.

Ang naturang ama ay lubos na hinangaan dahil sa naging pagsusumikap niya na maitaguyod ang kanyang mga anak, sa kabila ng pagiging isa niyang tricycle driver at magsasaka, ay tagumpay niya ngang napagtapos ng kolehiyo ang dalawa niyang anak daan para magkaroon ang mga ito ng magandang karera sa buhay dahil ang mga ito ngayon ay dentista at pharmacist na.

Photo credits: Marga | Facebook

Ayon sa anak ng nasabing ama, kung babalikan niya ang panahon, ay masasabi niya na grabe ang sakripisyo na ginawa ng kanyang tatay para sa kanilang pamilya, lalo na para sa pagkakaroon nilang magkaptid ng magandang kinabukasan.

Photo credits: Marga | Facebook

Photo credits: Marga | Facebook

“Tulog pa kami ay nagtatrabaho na si papa sa farm namin. Umaalis sya ng bahay minsan 4am, minsan 5am. Then pag uwi nya, maliligo tapos hahatid nya kami ng 6am or 7am. After nya hatid, mag mamasada sya.”, kwento ni Marga na isa na ngayong dentista.

Kuwento pa niya, noong siya ay magkokolehiyo na, ay iniisip niya kung ano ang kurso na kanyang kukunin lalo na’t batid niya ang kalagayan nilang pamilya. Sinabihan siya ng kanyang ina na accountancy na lamang ang kunin niyang kurso, ngunit dahil ayaw niya sa maraming mathematics na kurso ay hindi siya pumabor dito hanggang sa alukin nga siya ng kanyang tatay na kumuha ng kursong dentista.

Photo credits: Marga | Facebook

Dahil sa kalagayan ng kanilang pamumuhay noong una ay nagdalawang isip pa si Marga na tanggapin ang alok ng kanyang tatay dahil batid naman natin na hindi biro ang gastusin ng nag-aaral ng kurso ng pagdi-dentista lalo pa’t napakamahal ng mga materyales ng dentista, idagdag pa ang matrikula at iba pang mga kailangan sa pag-aaral ng nasabing kurso.

Photo credits: Marga | Facebook

Sa huli ay pumayag naman si Marga sa alok ng kanyang tatay, dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi siya bibiguin nito. Ibinahagi din niya kung paano iginapang ng kanyang tatay ang pag-aaral nilang magkapatid.

“Kada kita niya sa pasada nagtatabi siya ng ipon. Minsan nga humingi ako sa kaniya ng 500, 1k, 2k na pang requirements, hindi siya nag-atubili na magbigay. Dumating din sa point na kailangan ko ng 20k para sa materials sa school at nagawan din ito ng paraan ni papa.”, dagdag na saad ni Marga.

Photo credits: Marga | Facebook

Nang makapagtapos si Marga sa Kursong dentista ay ipinagmalaki niyang sabihin sa lahat na natupad niya ang pangarap niya dahil sa pagsasakripisyo at pagsusumikap ng kanyang ama na isang tricycle driver at magsasaka. Ipinaabot din niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang ina na naging katuwang ng kanyang ama, at maging sa kamag-anak nila na tumulong din sa pag-aaral nilang magkapatid.

Sa abot kayang halaga ay maari ka na ngang magkaroon ng ganitong kubo na hindi lamang maaring gamitin bilang pahingaan kundi pwedeng pwede na rin talagang maging tahanan.

error: Content is protected !!