Connect with us

Inspiring

Isang Ama Hinangaan Matapos Makapagpatayo Ng Napakagandang Bahay Para Sa Kanyang Pamilya Sa Halagang P50,000 At Natapos sa Loob Lamang ng 25 Days

Sino ba naman ang hindi naghahangad na magkaroon ng isang bahay na napakaganda. Isang bahay na may magandang disenyo, maaliwalas, at talaga namang napakasarap tirhan kasama ang pamilya. Ang tahanan namang ito, ang siyang magiging saksi sa mga masasayang alaala at pangarap na tutuparin ng pamilya.

Photo Credits to the owner

Ngunit, bago naman makamit ang inaasam na napakagandang bahay para sa pamilya, ay kinakailangan rin ng malaking halaga. Hindi naman talaga biro ang magpagawa ng bahay, lalo na nga’t bukod sa mahal ang bayad sa trabahador ay napakamahal rin ng materyales. Kaya naman, todong pagkayod at pagsusumikap ang ginagawa ng mga haligi at ilaw ng tahanan para matupad ang pangarap na mabigyan ng magandang bahay ang kanilang pamilya.

Photo Credits to the owner

Isang ama nga ng tahanan ang nagpatunay na hindi kailangan ng napakalaking halaga ng pera para makapagpatayo ng isang napakagandang bahay para sa kanyang pamilya.

Maraming netizens ang nainspire at pinahanga ng isang ama ng tahanan na si Henry Tugot matapos niyang magpatayo ng napakagandang bahay para sa kanyang pamilya sa halagang P50,000 at natapos naman sa loob ng 25 days.

Photo Credits to the owner

Ang pamilyang binuo ni Henry at ng kanyang asawang si Rejeen Tugot kasama ang kanilang dalawang anak, ngayon nga ay nakatira sa bahay na ipinatayo ni Henry gamit ang kanyang naipong pera na nagkakahalaga ng P50,000.

Matapos ibahagi sa Facebook ang larawan ng bahay ng pamilya ni Henry na yari sa semento, hallow blocks at plywood, ay agad itong umagaw ng atensyon ng mga netizens dahil nga para mag-viral ang post.

Photo Credits to the owner

Ayon naman sa post ng news reporter na si Russel Simorio, ay nakapagpagawa ng bahay si Henry gamit ang perang kanyang inipon mula sa kanyang part-time job, kung saan nga ay nakapagtabi siya ng P50,000 na sapat sa pampagawa ng bahay. Ikinagulat naman ni Henry, dahil sa loob lamang ng 25 na araw ay nagawang matapos ang kanilang bahay.

Makikita sa larawang ibinahagi sa Facebook na maliit lamang ang kanilang bahay, kung saan nga ay may sukat na 14×16 feet. Bagama’t, maliit ito ay kompleto naman ang bawat bahagi ng bahay. Mayroon itong bedroom, living room, kitchen at may terrace pa. Hindi naman magpapahuli ang bahay ni Henry, dahil makikita rin na naka-aircon ito. Kahit nga maliit ang bahay, ay tiniyak naman ni Henry na namaximized niya ang space.

Photo Credits to the owner

Sa mga larawan nga, ay makikita rin ang before and after photos ng bahay magmula nga sa framework nito, sa pagpipintora hanggang sa masilayan nga ang ganda ng bahay nang matapos ito. Ang loob ng bahay ay pinaganda naman ng kulay ng pintura at wallpaper, habang sa labas naman nito ay makikita ang mga halaman na nakalagay sa paso para magsilbing dekorasyon.

Maliit man nga ang bahay na ginawa ni Henry para sa kanyang pamilya, ay napakaganda naman nito. Wala namang papantay sa saya ng kanilang pamilya dahil sa kanilang munting tahanan ay bubuo sila ng masasayang alaala at mamumuhay rin dito ng komportable.

error: Content is protected !!