Connect with us

Entertainment

Isabelle Daza, Masayang Ibinahagi ang Kanyang Pagbubuntis sa Pangalawang Anak nila ng Kanyang Asawang Si Adrien Semblat

Ang aktres at modelong si Isabelle Daza, ay anak ng Miss Universe title holder 1969 na si Gloria Diaz. Hindi maikakaila na ang taglay na ganda at talento ng ina ni Isabelle ay kanyang namana, kaya naman, ang karera niya sa showbiz ay talaga nga namang nagdala sa kanya sa tagumpay.




Noong Pebrero 2016, ay natagpuan naman niya ang katuwang ng kanyang puso sa katauhan ni Adrien Semblat, isang French businessman, at inalok na nga nito ng kasal si Isabelle matapos ang pitong taong relasyon bilang magkasintahan. Noong Setyembre 10, 2016 naman, ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa San Francesco Church sa Tuscany, Italy.

Photo credits: Isabel Daza | Instagram

Agad naman nagbunga ang kanilang pagmamahalan at matapos lamang nga ang dalawang taon, sa petsang Abril 1, 2018, ay isinilang ni Isabelle ang panganay na anak nila ni Adrien na pinangalanan nilang Balthazar Gabriel Daza Semblat o Baltie.

Photo credits: Isabel Daza | Instagram

Photo credits: Isabel Daza | Instagram

At nito lamang ika-11 ng Disyembre, araw ng Biyernes, ay isang magandang balita ang hatid ng aktres, matapos nitong ianunsyo na siya ay nagdadalantao sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Adrien.

Sa isang Instagram post, inilahad ni Isabelle ang kanyang pagbubuntis. Sa isang larawan na ibinahagi ng aktres, makikita na suot-suot nito ang maternity leggings na kanyang iniindorso habang nakalitaw ang baby bump. Base naman sa post ni Isabelle, ay 21 linggo na umano ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan.

“We wanted to create a maternity legging that was inclusive of all lifestyles (even lying on the couch) at an approachable price … btw 21 weeks today,”caption sa post ni Isabelle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabelle Daza (@isabelledaza)

Samantala, marami naman sa mga malalapit na kaibigan sa showbiz ni Isabelle, ang agad na ipinakita ang kanilang pagsuporta sa aktres kung saan ay nagpaabot ang mga ito ng pagbati sa bagong biyayang kanyang natanggap. Ilan na nga rito Raymond Gutierrez, Jessy Mendiola, at Iya Villania.




“Yaaaaaaaaay!!! More babies! Congratulations,” saad ni Mariel Rodriguez-Padilla.
Tugon ni Ryan Agoncillo sa post ni Isabelle: ”Congratulations! Or are you just busog?”
“Can’t wait to meet baby semblat number 2!!!!!!” ani Raymond Gutierrez.
Saad naman ni Jessy: “Congrats Belle!”
Sambit ni Iya: “Belle! Soooo happy! Yaaay”

Photo credits: Isabel Daza | Instagram

Samantala, ang pamilya ni Isabelle ay masayang naninirahan ngayon sa Hongkong. Ngayon pa lang nga ay makikita na talagang excited na sa paglabas ng kanilang 2nd baby si Isabelle. Tiyak naman na nakaabang na rin si Baltie, dahil malapit na siyang maging kuya.

error: Content is protected !!