Connect with us

Entertainment

Isabelle Daza, Ibinahagi Ang Nakakatuwang Kaganapan Sa Kanila Ng Kanyang Yaya Luning Habang Sila’y Nasa Biyahe

Hindi na iba ang turing ng aktres na si Isabelle Daza sa kanyang Yaya Luning. Maliban nga sa pagiging kasambahay, ay parang tunay na kapamilya na rin ang turing ni Isabelle kay Yaya Luning. Sa katunayan nito, mula pagkabata ay si Yaya Luning na ang nag-alaga sa kanya at ngayong may sarili na siyang pamilya, ay nasa tabi pa rin niya ito.

Credits: Isabelle Daza | IG

Kaya naman, sa mahabang panahong paninilbihan ni Yaya Luning sa pamilya ni Isabelle, ay hindi maikakaila ang pagiging malapit nila sa isa’t isa kung saan nga ay parang magkapamilya na ang turingan. Sa katunayan nga nito ay gumawa pa ng libro si Isabelle na kanyang ipinangalan kay Yaya Luning.

Samantala, nakagawian na ng pamilya ni Isabelle ang magbakasyon sa ibang bansa. Sa bawal travel nga ng kanyang pamilya sa ibang bansa ay madalas na kasama si Yaya Luning. Kamakailan lamang nga, ay nakasama ni Isabelle at ng kanyang mga anak si Yaya Luning papuntang France. At dito nga ay kinagiliwan ng netizens si Yaya Luning matapos ibahagi ang nakakatuwang pangyayari habang sila’y nasa biyahe.

Credits: Isabelle Daza | IG

Ibinahagi ni Isabelle ang kanyang pagdo-dokumento ng kanilang masayang paglalakbay mula sa airport ng Pilipinas hanggang makarating sila ng France. Naunang ibinahagi ni Isabelle sa kanyang IG stories ang larawan kung saan may buhat siyang mabibigat na bagahe. Caption naman ng aktres sa larawan:

Credits: Isabelle Daza | IG

“When my mom asks how we are doing at the airport.”

Kapansin-pansin naman na ang kanyang Yaya Luning ay nakaupo at kalong ang dalawa niyang anak. Ayon pa nga kay Isabelle ay may kasama siyang senior citizen, toddler, at newborn baby. Tila nga nabaligtad ang katungkulan ni Isabelle at ng kanyang Yaya Luning. Kaya naman hindi nga maiwasan ng aktres ang magbiro sa kanyang post kung saan sinabi nitong siya raw talaga ang pinapasahod ni Yaya Luning kada buwan.

Credits: Isabelle Daza | IG

“Actually, it’s Yaya Luning who pays me a monthly salary.”

Naging sunod-sunod nga ang updates ni Isabelle sa nakakatuwang kaganapan sa kanila ni Yaya Luning. Sa sumunod na larawan ay makikita namang sitting pretty si Yaya Luning sa loob ng eroplano, habang siya naman ay abala sa pag-aasikaso sa kanyang dalawang anak. Biro naman ni Isabelle, ay nahiya na raw siyang storbohin pa si Yaya Luning.

Nang makarating naman sa airport ng France, ay muli na namang naaliw ang netizens sa larawang ibinahagi ni Isabelle. Makikita sa larawan na matapos nga ang security check, ay nasa gilid na si Yaya Luning kasama ang dalawang anak ng aktres. At ayon nga kay Isabelle:

Credits: Isabelle Daza | IG

“She didn’t even instruct me to get the luggage.”

“She just assumed I would and then walked to the side with the kids after security check.”

Credits: Isabelle Daza | IG

Marami nga ang talagang naaliw sa mga larawang ibinahagi ni Isabelle patungkol sa kanyang Yaya Luning habang sila nasa biyahe.

error: Content is protected !!