Connect with us

Entertainment

“Isa ‘yon sa Pinakamahirap na Moment sa Buhay ko”: Comedy Queen Ai-Ai Delas Alas, Inamin na Hindi Naging Madali ang Kanyang mga Pinagdaanan Bilang Isang Single Mom

Ang tinaguriang Comedy Queen sa industriya ng showbiz na si Ai-Ai Delas Alas ay hinahangaan ng lahat sa kanyang pagganap sa mga palabas sa telebisyon lalo na nga sa pelikulang “Ang Tanging Ina”, kung saan talagang ipinamalas niya ang husay sa pag-arte bilang isang mabuting ina.

Ngunit, hindi lamang sa pelikula isang mabuti at ulirang ina si Ai-Ai, dahil sa tunay na buhay rin, ang papel na kanyang ginagampanan ay higit pa sa isang natatanging ina. Isa nga siyang super nanay sa kanyang apat na anak na sina Nicolo, Sophia, Sancho, at Seth Andrei.

At kamakailan lamang, sa programang “Tunay na Buhay”, ay nakakwentuhan ng Comedy Queen si Pia Arcangel kung saan napag-usapan ang buhay ng komedyana bilang isang single mom noon. Napag-usapan rin ang kabutihan ng kanyang adopted mom na si Justa at maging ang relasyon niya sa kanyang adopted child na si Seth Andrei.

Photo credits: Ai ai Delas Alas | IG

Kwento nga ni Ai-Ai kay Pia, ang pinakamahirap na yugto ng buhay niya noon, ay ang pagiging single mom kung saan ay kasa-kasama niya ang kanyang mga anak kahit saan man siya magpunta.

“Naku, napakahirap. Isa ‘yon sa pinakamahirap na moment sa buhay ko. Parati ko silang kasama sa taping, sa shooting. Or kunwari, kung hanggang madaling araw ‘yung shoot, kunwari, tapos meron na naman tomorrow, parang meron kaming family day every Sunday talaga.”

Photo credits: Ai ai Delas Alas | IG

Sa naturang panayam rin ang nakausap ang mga anak ng komedyana kung saan ay inilarawan nila, kung anong klaseng ina si Ai-Ai sa kanilang magkakapatid.

Photo credits: Ai ai Delas Alas | IG

Ayon nga sa anak ni Ai-Ai na si Sophia, ay istrikto umanong ina si Ai-Ai lalo na noong bata pa lamang siya at nag-aaral sa elementarya at highschool. Ngunit, pagtuntong niya sa edad na 18, ay naging maluwag na rin ito sa kanya. Dahilan nga, upang maging maganda ang kanilang relasyon bilang mag-ina.

“Grade school to high school, she was very strict, to the point na whenever my brothers’ friends are over our house, she didn’t like to go out of my room. Tapos, if lalabas man ako, bawal ako mag-shorts. When I turned 18, chill na siya and our relationship mas naging open.”

Photo credits: Ai ai Delas Alas | IG

Ang anak na aktor naman ni Ai-Ai na si Sancho Vito, ay proud sa kanyang ina dahil sa pagiging mabuti at responsable nitong ina sa kanilang magkakapatid na kung saan ay hindi sila iniiwan, at palaging nasa tabi nila upang umagapay at sumuporta.

“Hindi siya tumigil maging nanay sa’min, hanggang ngayong may edad kami. Nandiyan pa rin siya to support us. Lagi siyang nandiyan para saluhin kung ano mang maging problema namin”

Photo credits: Ai ai Delas Alas | IG

Samantala, nagkwento rin si Ai-Ai tungkol sa kanyang adopted child na si Seth Andrei, na limang araw palang mula nang isilang nang mapunta sa kanyang pangangalaga. Kwento nga ng komedyana, ay nag-ampon siya dahil malalaki na ang kanyang mga anak, at nais ulit niyang magkaroon ng batang inaalagan dahil nalulungkot siya. Naniniwala rin si Ai-Ai sa hula ng fortune teller, na may isang anak raw siyang magiging sikat, at higit pa sa kasikatan niya ngayon, at napupusuan umano ni Ai-Ai, ay si Seth ito dahil sa husay at talento nito sa Tiktok sa murang edad.

Photo credits: Ai ai Delas Alas | IG

Labis naman ang pasasalamat niya sa kanyang adopted mother na si Justa, na kapatid ng kanyang tunay na ama, dahil ito umano ang dahilan ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon. Saad nga ni Ai-Ai, kung hindi siya inampon ng kanyang ina, ay baka raw hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at baka napariwara na siya kung hindi ito naging mahigpit sa kanya.

“Dati kasi parang may mga hinaing ako sa buhay na ‘pag pinapalo niya ko,’pag nagagalit siya sa’kin.Parang iniisip ko, ‘Sana hindi mo na lang ako kinuha. Pero ‘pag naisip ko rin ngayon na nakapagtapos ako ng pag-aaral, kahit papaano maganda naman ‘yung buhay namin, thankful ako sa kanya na kinuha niya rin ako. Kasi siguro kung hindi niya ako kinuha, hindi ako makakapag-aral, nandoon lang ako sa probinsya. At saka kung hindi rin siya siguro mahigpit, pariwara ako ngayon.”

error: Content is protected !!