Connect with us

Entertainment

Isa sa Kambal na Anak ng Mag-asawang Charlene Gonzales at Aga Muhlach na si Atasha, Agaw-pansin Ngayon sa Publiko Dahil sa Kanyang Taglay na Kagandahan

Isa sa maituturing na celebrity couple sa industriya ng showbiz na pinagtibay na ng panahon ang pagsasama sa loob ng maraming taon, ay ang mag-asawang Charlene Gonzales at Aga Muhlach. Noong May 2001 nang ikasal ang dalawa sa sa St. Joseph the Worker Parish na naganap sa Pacdal, Baguio. Ito nga ay naisakatuparan ilang buwan lamang matapos ang kanilang engagement.

Credit: Charlene Gonzales | Instagram

Una silang nagkakilala dahil sa pinsan ni Charlene noong 16 taong gulang pa lamang si Aga. Ngunit, sa muli nilang pagkikita nang maging judge si Aga sa 1994 Binibining Pilipinas pageant kung saan nga ay si Charlene ang itinanghal na Binibing Pilipinas–Universe, ay hindi na pinalampas ni Aga ang pagkakataon na maging kaibigan ang beauty queen-actress. Hanggang sa mauwi nga ang kanilang pagkakaibigan sa pag-iibigan at tuluyang nagpakasal.

Ang kanilang pagsasama ay agad namang biniyayaan ng kambal na anak na sina Atasha at Andres na tulad ng kanilang mga magulang ay gwapo at maganda rin. Hindi maikakaila na ang magandang katangian ng kambal ay namana sa kanilang mga magulang na isang matinee idol ang kanilang ama habang isang beauty queen naman ang kanilang ina.

Credit: Charlene Gonzales | Instagram

Kaya naman, hindi na nakapagtatala kung kamakailan lamang nang maging agaw atensyon sa publiko ang taglay at tatanging kagandahan ng isa sa anak na kambal at babaeng anak nina Aga at Charlene na si Atasha Muhlach.

Ito nga ay matapos ipamalas ni Atasha ang kanyang kagandahan nang maging cover ng isang fashion magazine. Makikita na dalagang-dalaga na ito at sadyang napakaganda. At sa darating na November 2021, ay ipagdiriwang na ng magandang dalaga ang kanyang ika-20 taong kaarawan.

Credit: Charlene Gonzales | Instagram

Sa matulin na paglipas ng panahon, ay makikita nga na isa na itong ganap na dalaga, at kitang-kita rin ang kahanga-hanga nitong kagandahan. Kaya naman, marami ang interesadong malaman kung susunod ba ito sa yapak ng kanyang mga magulang na pasukin ng showbiz.

Ayon naman kay Atasha, ay plano naman nita talaga ang pumasok sa showbiz, sila ng kanyang kambal na si Andres. Dahil noong mga malilit na bata pa lamang sila, ay may magagandang alaala na sila sa tuwing dadalhin sila ng kanilang mga magulang sa trabaho.

Credit: Charlene Gonzales | Instagram

Ngayon pa lang nga, ay marami ng tagasuporta si Atasha na pasukin ang showbiz. Kaya naman, tiyak na marami rin ang kanyang tagahanga kapag naging isang ganap na siyang artista. Tiyak naman na mas lalong patutunayan ni Atasha ang kanyang talento pagdating sa pag-arte.

Sa ngayon, ay abala si Atasha sa kanyang online class at pursigido naman ang dalaga na tapusin ang kanyang kurso. Ibinahagi naman ni Atasha ang plano sanang paglipad patungong United Kingdom para doon mag-aral ngunit dahil sa pandemya, ay ipinagpaliban ito ng dalaga.

error: Content is protected !!