Connect with us

Entertainment

Ipinasilip ni Alex Gonzaga ang kanyang Bagong Renovate na Napakalaking Condo Kung saan magsisilbing Tirahan nila ng Kanyang Asawang si Mikee Morada

Sa isang YouTube vlog na inilabas ng aktres at host na si Alex Gonzaga, nagkaroon siya ng condo tour kung saan ipinasilip nito ang kauna-unahang tahanan niya at ng kaniyang asawa.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Ayon kay Alex, isang three-bedroom condominium unit ang kanilang kasalukuyang tahanan. Bagamat tatlong buwan ang hinintay ng mag-asawa hanggang sa matapos ang renovation ng condo unit na ito, talagang maganda rin naman ang naging resulta.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Mapapansin ang kulay nude at puting tema sa living area. Mula rin sa bahaging ito ng condo matatanaw ang napakagandang view ng syudad. Bukod sa kakaibang mga dekorasyon at chandelier dito, mapapansin din ang mga furnitures na mayroong solihiya na disenyo at mula sa mga lokal na supplier.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Pagdating naman sa dining area ng condo unit, mapapansin ang simple ngunit napakagandang disenyo nito. Makikita rin ang mga muwebles at iba pang elemento na gawa sa kahoy.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Ipinakita rin ni Alex ang kaniyang kusina na isa sa mga paborito niyang parte ng bahay. Kaiba sa mga pangkaraniwang open layout ng mga kusina ngayon, pinili pa rin ni Alex ang kaniyang enclosed na kusina.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Personal ding nagluluto si Alex para sa kaniyang asawa at dahil bagong lipat pa lamang ang mag-asawa sa kanilang kasalukuyang tahanan, makikita na punong-puno ang pantry ng kanilang bahay. Ipinakita rin ni Alex ang ilan pang kagamitan dito. Hindi rin naman niya nakalimutang magpasalamat sa mga nagregalo ng ilang kagamitan dito.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Talaga rin namang mapapansin na napakalawak ng condo unit na ito dahil mayroong nakalaang espasyo bilang laundry area. Dagdag pa rito, mayroong apat na palikuran ang condo unit na ito ayon kay Alex at ang isa ay itinalaga nila bilang powder room para sa kanilang mga bisita.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Matapos ipasilip ni Alex ang mga ito, ipinakita rin niya ang kwartong inilaan niya para sa kaniyang mga magulang. Hindi rin mawawala ang simple ngunit napakagandang master’s bedroom ni Alex at Mikee.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Sa kwartong ito rin makikita ang bag collection ni Alex at ang isang closet na mayroong solihiya na disenyo gayundin ang master’s bathroom na napalilibutan ng glass doors.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Ipinasilip rin ni Alex ang kaniyang walk-in closet kung saan makikita ang ilang dekorasyon na mula sa kaniyang biyenan.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Bukod kay Alex, nagustuhan rin ng kaniyang mga viewers at subscribers ang simple ngunit eleganteng condo unit na ito.

error: Content is protected !!