Ipinasilip ng aktres na si Angelica Panganiban sa mga netizens ang kanyang bonggang bahay na mala-mansyon at may elevator pa.

Bata pa lamang si Angelica ng magsimula sya sa industriya ng showbiz. Sa kanyang murang edad ay nakitaan siya ng angking talento at galing sa pag-arte. Taglay din nya ang magandang mukha na mas lalong hinangaan sa kanya ng mga manonood at ng kanyang mga tagahanga. Bilang isa sa magagaling na aktres sa industriya ay nasubaybayan na ng mga manonood ang buhay ni Angelica simula sa kanyang pagsisimula sa showbiz hanggang sa kasalukuyan na patuloy pa ring namamayagpag sa indutriya ang kanyang karera bilang isang aktres.

Photo Credit: Angelica Panganiban Instagram

At dahil isa si Angelica sa mga aktres na halos sa showbiz lumaki, hindi kataka-taka na nakapagpundar siya ng mga bagay na pangarap niya at isa na dito ang malamansyon niyang tahanan na hinangaan ng mga netizens dahil sa modernong disenyo nito at angking kalinisan na taglay nito.



Patok sa mga artista na ipasilip ang kanilang tahanan upang magsilbing inspirasyon kaya naman hindi nagpahuli si Angelica Panganiban. Ang ilan namang artista ay ginagawang pribado na lamang ito.

Mapapansin natin na karaniwang makikita sa mga tahanan na maraming palapag ay may mga hagdan, ngunit ang tahanan ni Angelica maliban sa hagdan ay  meron itong elevator.

Sa pagbisita ni Kim Chui sa bahay ng kaibigang si Angelica nang minsang magkaroon ng pagdiriwang sa bahay ng aktres ay namangha ang aktres ng makita na may elevator sa loob ng pamamahay ng kanyang kaibigan. At ang mga kagamitan ay talagang napakaclass kung saan mababatid mo  talaga na ang mga ito ay sadyang mamahalin.

Talaga namang namangha ang mga netizens sa kanyang malamasyon na pamamahay. At nasabi ng netizens na sobrang class at moderno lalo na ang kanyang living room na parang nasa ibang bansa kung iyong pagmamasdan.



Pagpasok naman sa kanyang entertainment room ay bubungad agad sa mga bisita ang malaking TV Flat screen.

Hindi rin naman magpapahuli ang mga kagamitan sa kusina ng aktres, dahil ang mga gamit niya dito ay talaga nga namang mga moderno at mamahalin ang mga kagamitan.

Photo Credit: Angelica Panganiban Instagram

Sa garahe naman ng pamamahay ng aktres ay matatagpuan ang kanyang mga sasakyan.

Makikita sa larawan sina Angelica at Angel Locsin na masayang nagtatawanan habang nasa pinto ng elevator ng bahay ni Angelica.

Ayon sa Intagram post ni Kim Chui

“Sosyal naman ng bahay na’to may elevator. At may pa-manang pa”

“Alam ko na kung kaninong bahay ‘to! This girl [Angelica] owns the house. Iba din sila e!”

dagdag ni Kim Chui sa kanyang pahayag ng syang dumalo sa gaganaping party sa bahay ni Angge.



Photo Credit: Angelica Panganiban Instagram

Sa angking kagandahan ni Angelica at  talento na nangingibabaw sa mundo ng showbiz hindi sya nawawalan ng mga proyekto at pelikula. Isa rin sya sa main host ng “Banana Sunday” na ilang taon na nating napapanood sa ABS-CBN.