Connect with us

Entertainment

Ipinapatayong Bahay ng Mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao Nasa Finishing Stage Na, Ipinasilip sa mga Netizens sa Kanilang Youtube Channel

Hindi nga maitago ng aktres at TV host na si Camille Prats at asawa nitong si VJ Yambao ang kanilang nadaramang excitement sa kanilang ipinapatayong bahay na malapit nang matapos.

Kaya naman, ay masaya ring ipinasilip ni Camille sa kanyang bagong vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel ang bagong bahay na ipinapatayo nilang mag-asawa para sa kanilang pamilya.

Ipinasyal nga ng mag-asawa ang kanilang mga viewers sa kanilang under construction at nasa finishing stage nang “Yambao House”. Ang kanilang bahay na inilaan ng mag-asawa para sa kanilang pamilya ay isang 3-storey house, na makikitang taglay ang maganda nitong disenyo kapag natapos na.

Photo credits: Camille Prats Yambao | Youtube

Unang ipinakita ng mag-asawa ang basement at magsisilbi ring mancave ng asawa ni Camille na si VJ kung saan ay plano nilang lagyan ng gym at minibar. Habang naglilibot nga ay talagang inisa-isang puntahan ni VJ ang bawat sulok ng bahay at makikita ang matinding excitement sa kanya.

Photo credits: Camille Prats Yambao | Youtube

Photo credits: Camille Prats Yambao | Youtube

Pag-akyat naman nila sa first floor ng bahay ay sasalubong naman ang foyer. Nakaabang na rin ang malawak at maaliwalas na living area. Kalapit naman nito ang dining area, kitchen at walk-in pantry. Ibinahagi naman ni Camille na nais nilang mag-asawa na makapasok ang natural light sa loob ng kanilang bahay, kaya naman ay pawang large windows at sliding doors ang napili nilang gamitin.

Photo credits: Camille Prats Yambao | Youtube

Photo credits: Camille Prats Yambao | Youtube

Espesyal naman ang second floor para sa pamilya nina Camille dahil sa area na ito matatagpuan ang kanilang family hall. Dito na rin sila madalas magbonding nang magkasama. Ang area na ito ay inilaan nila para maging kid’s playroom at study area.

Photo credits: Camille Prats Yambao | Youtube

Samantala, sa third floor naman ang magsisilbing personal place nilang mag-asawa. Dito nga matatagpuan ang home office, balcony at master’s bedroom. Kalapit naman ng master’s bedroom ang walk-in closet nilang mag-asawa. Ang master’s bedroom rin ay may sariling bath and toilet room. Makikita naman ang tuwa kay VJ habang ipinapakita ang sink sa may bathroom, dahil ayon nga rito ay magkakaroon na siya ng sariling sink sa bago nilang bahay.

Matatandaan naman na noong 2019 nang ianunsiyo ng mag-asawa ang pagsisimula ng construction ng kaning bahay. At magmula nga noon, ay talaga napakahands-on nilang mag-asawa, lalo na nga si VJ na halos gabi-gabi raw kung dumalaw sa site. Masaya at ipinagpapasalamat naman ni Camille dahil ang contractor ng kanilang ipinapatayong bahay, ay ang kanyang Daddy na talagang pinagkakatiwalaan nila na ang hangad para sa kanilang pamilya ay ang pinakamabuti.

“VJ and I have been very, very hands-on with the construction of the house. As in. Siya, todo talaga, 100%. My dad is the one constructing the house, and we’re very, very blessed siyempre Tatay ko ‘yung contractor namin kasi he’s someone we can trust and he wants the best for us.”

Sa huling bahagi ng video, ay sinabi ni Camille na wala pang katiyakan kung kailan matatapos ang construction ng bahay, kung kaya’t wala rin siyang ideya kung kelan sila lilipat ng kanyang pamilya sa bagong bahay.

error: Content is protected !!