Connect with us

Entertainment

“Ipinaglaban ko ‘yung relationship namin”: Liza Soberano, Ibinahagi Ang Pinakamatinding Nagawa Para Lamang Sa Pag-ibig

Hindi naman talaga maitatanggi ang kilig na hatid sa kanilang mga fans ng celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Ang kanilang tambalan on screen ay talagang nagpakilig sa maraming manonood. Kilala nga ang kanilang tambalan sa tawag na LizQuen na talaga namang bagay sa isa’t isa.

Photo Credits: Liza Soberano| IG

Samantala, minsan naman nang ibinahagi ni Liza sa isang panayam kung ano ang kanyang pinakamatinding ginawa para lamang sa ngalan ng pag-ibig. Matatandaan nga sa press conference ng come back series ng magkasintahan na Make It With You na ibinahagi ng aktres kung paano niyang ipinaglaban ang pagmamahalan nila ni Enrique.

Photo Credits: Liza Soberano| IG

At ayon nga kay Liza, ang ipaglaban ang pagmamahalan nila ni Enrique ang siyang pinakamatindi niyang ginawa. Paliwanag nga ni Liza, noon ay 17 taong gulang pa lamang siya kung saan nga ay tutol ang kanyang ama na siya’y magkaroon ng nobyo sa batang edad.

Photo Credits: Liza Soberano| IG

“Siyempre, 17 lang ako noong naging kami, so ipinaglaban ko yung relationship namin. Kasi bawal pa talaga ako magka-boyfriend noon, matigas ‘yung ulo ko.”

Ibinahagi rin ni Liza na kinausap pa niya ang kanyang ama na si John Castillo Soberano para payagan siyang makipagrelasyon kay Enrique. Ayon nga kay Liza, ay hindi siya nagdalawang isip na sabihin sa kanyang ama na masaya siya sa piling ni Enrique.

Photo Credits: Liza Soberano| IG

“Sabi ko sa daddy ko, ‘Masaya ako kay Enrique. Kung gusto mo akong maging masaya, papayagan mo akong maging kami.”

Nagtagumpay nga si Liza na mapapayag ang kanyang ama sa kanyang nais na maging sila ni Enrique. At dahil na rin sa tulong ni Enrique na ipinakita ang kanyang mabuting intensyon kay Liza ay tuluyan na nga nilang nakuha ang loob ng aktres, at pumayag sa kanilang relasyon.

Ayon naman kay Enrique, ay hindi biro ang kanyang pinagdaanan para lamang patunayan ang kanyang sarili at ang kanyang magandang intensyon kay Liza.

Photo Credits: Liza Soberano| IG

“Grabe rin yung pinagdaana ko bago naging kami. Ipinakita ko yung sarili ko. I just presented myself na ito ako, that im not pretending anything. And I think slowly enough they saw it.”

Tila naman talagang ginagawa pareho nina Enrique at Liza ang makakabuti para sa kanilang relasyon. At noong nakaraang taong 2021, ay masayang ipinagdiwang nina Liza at Enrique ang kanilang ika-pitong anibersaryo bilang magkasintahan.

Photo Credits: Liza Soberano| IG

Minsan na ring ibinahagi ng magkasintahan na napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa pagpapakasal. Sa katunayan nga nito, ay plano na ni Enrique na magpagawa ng bahay para sa kanilang magiging pamilya, kapag natapos na niya ang pagpapagawa sa kanilang family home.

Photo Credits: Liza Soberano| IG

Sa ngayon ay makikita na masayang-masaya ang magkasintahan sa piling ng isa’t isa. Hindi naman talaga maikakaila na puno ng pagmamahalan ang kanilang relasyon dahilan nga para kiligin ang kanilang mga fans.

error: Content is protected !!