Connect with us

Entertainment

Ion Perez, Sinagot Ang Mga Basher na Humahadlang sa Relasyon Nila ni Vice Ganda

Magmula nang isapubliko ng Unkabogable star na si Vice Ganda ang relasyon nila ng kanyang nobyong si Ion Perez na isa sa mga co-host ng noontime show na It’s Showtime, ay dumami nga ang kanilang mga basher. At sa dami ng napataas ang kilay sa kanilang relasyon, ay hindi nga sila nakaligtas sa mga pang-aalispusta, kung saan ay nakatanggap sila masasakit na salita.

Credits: Ion Perez | Instagram

Ngunit, sa kabila nga ng napakaraming basher na humahadlang sa kanilang relasyon, ay mas lalo naman nilang pinapatunayan sa madla, na walang makakapaghiwalay sa kanila dahil ang kanilang pagmamahalan ay tunay at wagas.

At kamakailan nga, ay muling ipinaglaban ni Ion ang pagmamahalan nila ni Vice sa pamamagitan ng pagsagot sa mga basher na kanyang idinaan sa isang mensahe na kanyang ipinost sa social media.

Ayon nga kay Ion, ay hindi niya lolokohin si Vice dahil sa mismong ina ni Vice na si Nanay Rosario siya nagsabi kung gaano niya kamahal ang komedyante na kilala rin sa palayaw nito bilang Tutoy.

Credits: Ion Perez | Instagram

“Bago niyo isipin at sabihin na lolokohin ko ‘to! Isipan niyo muna na may isang NANAY ROSARIO akong sinabihan na MAHAL NA MAHAL KO ang ANAK niyang si TUTOY!”

“Daming EBAS! VAKLANG TWOO! O LOKO,”dagdag pa ni Ion.

Tila nga kahit anong mangyari, ay handang ipaglaban ni Ion ang relasyon nila ni Vice. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng pambabatikos at pang-aalipusta sa kanilang relasyon mula sa mga basher.

Sa katunayan nga nito, ay minsan nang ibinahagi ni Ion sa isa sa mga vlog ni Vice ang pinakamasakit na salita na kanyang natanggap mula sa mga basher magmula nang makarelasyon niya ang komedyante. At ito nga ang madamay ang kanyang ina, kung saan ay sinabihan umano na mukhang pera.

Agad namang dinepensahan ni Ion ang kanyang ina sa mga paratang na sinasabi ng mga basher patungkol rito. Ayon nga kay Ion ay kilala niya ang kanyang ina at hindi ito ganung klase ng tao.

Credits: Ion Perez | Instagram

“Yung sinabihan din ‘yung nanay ko na mukhang pera, ‘yun ang pinakamasakit sa akin. Sa akin, okay lang, tanggap ko ‘yon. Pero ‘yung sa nanay ko, parang, nakasama ko ‘yon, alam ko ang ugali noon, nakasama ko sa hirap, hindi naman ganun ‘yon.”

“Yun ang pinakamasakit na narinig ko sa tao na sinabi nila na mukha raw pera ang nanay ko.”

Credits: Ion Perez | Instagram

Matatandaan na noong taong 2019 nang aminin at isapubliko nila Vice at Ion ang kanilang relasyon. At ito nga ay naganap matapos ang bonggang performance ni Vice para 10th anniversary ng It’s Showtime sa segment na “Magpasikat”. Una naman silang na-link sa isa’t isa noong 2018, kung saan unang nakilala si Ion bilang escort ng mga contestant sa segment ng It’s Showtime na “Ms. Q & A”.

error: Content is protected !!