Connect with us

Entertainment

Ion Perez, Naging Emosyunal Matapos Surpresahin ni Vice Ganda ng Isang Nakakakilig na Kanta sa Pagdiriwang ng Kanilang 2nd Anniversary

Isang nakakakilig at puno ng emosyon ang naging pagdiriwang ng 2nd Anniversary ng celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez, nito lamang ika-25 ng Oktubre, araw ng Linggo.
Hindi na nga napigilan pa ng boyfriend ni Vice na si Ion ang mapaluha sa surpresang handog ng komedyante para rito sa pagdiriwang ng kanilang 2nd Anniversary. Masaya ang naging pagdiriwang ng kanilang anibersaryo sa Enchanted Kingdom, sa Sta. Rosa, Laguna kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Negi, Lassy at MC.

Dahil nga, unang pagkakataong makarating ni Ion sa naturang themed park, ay sinulit nila ang bawat sandali na masakyan ang lahat ng rides. Walang sinayang na sandali si Vice at Ion na libotin ang buong themed park, kasama ang kanilang mga kaibigan na saksi sa kanilang pagmamahalan magmula pa noon.




Nakakakilig naman ang eksena habang nakasakay sila ng ferris wheel at magkasalo sa pagkain. Dito naman sila nagkaroon ng heart to heart talk sa kanilang mga pinagdaanan bago tuluyang makamit ang masayang relasyon nila ngayon.

Hindi rin maitago ang saya at kilig ni Meme Vice, dahil ang maranasan ang isang bagay na napapanood sa pelikula, ay siya namang nararanasan ngayon.

“First time ko maka-experience ng ganito. Ang saya ‘no? ‘Yung mga ganitong eksena napapanood lang sa pelikula dati tapos nae-experience na natin.”

Samantala, sa kanilang madamdaming pag-uusap ay napabalik-tanaw sila sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan, na kanila namang matagumpay na nalampasan. Pagbabahagi nga ni Vice, ang isa sa pinakamasayang nangyari sa kanilang relasyon, ay ang paninindigan nila sa isa’t isa na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Dahil nga, marami ang mga taong tutol sa kanilang relasyon, ay pinaglabanan nila ito at hindi inisip ang sasabihin ng ibang tao.

Samantala, inalala naman ni Ion, ang mga panahon na nakipaghiwalay si Vice sa kanya, na kung saan ay hindi umano siya pumayag sa nais nitong mangyari. Paano na lang kaya kung pumayag si Ion sa kanilang paghihiwalay noon, tiyak na hindi nila makakamit ang sayang nararanasan ngayon.

“Natatandaan mo pa ba babe nung gusto mo na ‘kong iwan? Nung naging makulit ako. Sabi ko, ‘Huwag. Ayoko, ‘di ako papayag,” saad ni Ion.

Hinangaan naman ni Vice ang ipinakitang tapang at lakas ng loob ni Ion upang ipaglaban ang kanilang relasyon. Kahit pa nga, nasasaktan umano si Ion sa mga pananakot ng mga tao. Hindi umano ito bumitaw at nanatiling matatag kasama ng komedyante. Kahanga-hanga na, sa bawat oras na sila’y magkasama ay mas lalo pa ngang ipinaramdam ni Ion ang pagmamahal kay Vice, at hindi nito tinalikuran ni Vice, di tulad ng mga naunang nakarelasyon nito.

“’Yun nga, kasi nakikita kong sinasaktan ka nila. Grabe ‘yung pananakit nila sa ‘yo, and napakapalad ko na… ‘yung ininda mo ‘yun at nalampasan mo ‘yun. ‘Yung sobrang tatag mo na hindi ka nasira ng mga pananakit na ginawa nila sa ‘yo.”

Talaga namang napakapalad ni Vice, dahil natagpuan niya ang taong magmamahal at tatanggap sa kanya ng buong puso. Kaya naman, sa espesyal na araw nilang ito, ay sinurpresa ni Vice ang nobyo ng isang nakakakilig na kanta, na na kanyang nabuo sa tulong ng kaibigang si Moira dela Torre, ang “Mahal Ako ng Mahal Ko”. Ito ang tula na kanyang ginawa na naglalahad ng pagmamahal niya kay Ion, at ginawa na niya nga itong kanta upang maging surpresa rito.

Habang magkasamang pinapanood ang music video ng nasabing kanta, ay hindi na napigilan pa ang pagiging emosyunal at tuluyang pagluha ni Ion dahil sa labis na kaligayahan. Ang surpresang ito, ay talagang hindi inaasahan ni Ion, kaya naman naging madamdamin ang kanyang pahayag. Kung saan ay sinabi nito, na mas lalo pa niyang mamahalin si Vice, dahil isinilang umano siya upang mahalin ito ng lubusan.




“Sobrang… nagulat ako ah. Akala ko iba ‘yung show, ikaw pala. Pero, wala na rin akong masabi. Pauli-ulit kong sasabihin na hangga’t kaya kong iparamdam na mahal kita, ipaparamdam ko sa’yo. Siguro, sinilang ako sa mundong ito para mahalin ka. Mamahalin kita ng sobra.”

error: Content is protected !!