Connect with us

Showbiz

Ion Perez, Ibinahagi Ang Masayang Bakasyon Sa Amanpulo Kasama Si Vice Ganda

Naging memorable nga ang unang pagbisita ni Ion Perez sa napakagandang isla ng Amanpulo kasama ang kasintahang si Vice Ganda. Sa kanilang pagbisita sa mala-paraisong lugar, ay talagang pinuno nila ito ng masasayang alaala.

Photo credits to the owner

Dahil nga sa taglay ng ganda ng isla, ay muling bumalik dito sina Ion at Vice ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na nila ang kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Espesyal naman ang pagpunta nila sa paraisong isla dahil dito nga nila sinalubong ang bagong taon ng sama-sama.

Samantala, sa pangalawang beses na pagbisita ni Ion sa isla ng Amanpulo ay talagang sinulit niya ang bawat sandali ng kanilang pananatili sa isla. Sa isang vlog na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel ay ipinasilip ni Ion ang mga kaganapan sa masaya nilang bakasyon sa Amanpulo.

Photo credits to the owner

Masayang ipinakita ni Ion ang ganda ng beach kung saan nga masisilayan ang puting buhangin, bughaw na kalangitan at malawak na karagatan. Kung pagmamasdan nga ay aakalaing nasa isang paraiso ang lugar. Walang duda kung bakit ito tinawag na pinakamagandang isla sa buong mundo. Sa taglay na ganda ng tanawing masisilayan sa isla, ay tiyak nga na mag-eenjoy at makakapagrelaks ang sinumang bibisita dito.

Photo credits to the owner

Katulad na lamang nga nina Ion na sinulit ang bawat sandali sa mga beach activities. Sumakay nga sila sa yate para makita ang ganda ng karagatan. Nag-enjoy sina Ion at Vice sa pagpapakain ng mga isda. Matapos naman nito ay isang boodle fight ang masaya nilang pinagsaluhan.

Photo credits to the owner

Nakakatuwa naman ang nasabing vlog ni Ion dahil natural na lumitaw ang kanyang pagiging komedyante. Nagkunwari nga si Ion na siya ang anak ng may-ari ng isla habang nililibot ito. Sakay naman ng isang bike ay nagpatuloy naman sa paglilibot sa isla si Ion. Hindi naman na nakapagtataka na sa ganda ng katawan ni Ion ay sanay na sanay na ito sa malayuang biyahe sakay ng bike.

Photo credits to the owner

Makikita naman talagang enjoy na enjoy sina Ion at Vice sa kanilang bakasyon sa mala-paraiso sa gandang isla ng Amanpulo. Hindi rin naman nagpaawat ang dalawa sa kanilang kasweetan lalo na nga noong pagsalubong ng bagong taon kung saan ay dumalo sila ng party na naka-matching outfit pa. Nagkaroon naman sila ng dinner at masayang sinalubong ang bagong taon sa pamamagitan ng panonood ng makukulay na fireworks. Mapapansin rin ang pagiging malapit ni Ion sa pamilya ni Vice lalo na kay Nanay Rosario.

Photo credits to the owner

Isa na naman ngang unforgettable moments at masayang alaala ang nabuo nina Ion at Vice sa kanilang masayang bakasyon sa Amanpulo na kanilang daldalhin sa kanilang sa pagtanda at sasariwain pagdating ng panahon.

error: Content is protected !!