Connect with us

Showbiz

“Instead of forcing it, let’s just go separate ways”: Derek Ramsay, Ibinahagi ang Kwento ng Paghihiwalay nila ng Kanyang Dating Kasintahan na si Andrea Torres

Ang mainit na isyu ngayon sa social media tungkol sa relasyon ng aktor na si Derek Ramsay at Ellen Adarna, ay mas lalong pinag-uusapan ng mga netizens. At magmula nga nang aminin ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ay unti-unti na ring binubuksan ni Derek sa publiko, ang kwento tungkol sa relasyon niya sa kanyang dating kasintahan na si Andrea Torres.




At kamakailan nga, ay nagbigay ng mahalagang detalye si Derek sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Andrea. Bagama’t, isang taong naging magkarelasyon at nagsama pa sa iisang bubong, ay nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa. Ang relasyon nga ni Derek at Andrea, ay inakala rin ng marami na mauuwi sa kasalan, ngunit sa kasamaang palad ay nauwi ito sa hiwalayan.

Photo Credits: Google.com

Ang lahat nga ng katanungan ng madla patungkol sa kinahantungan ng relasyon nina Derek at Andrea, ay natuldukan na sa panayam ng singer na si Pops Fernandez sa aktor. Ayon nga kay Derek, ay naging biglaan ang paghihiwalay nila ni Andrea, ngunit sa kabila nito ay naging magkasundo naman sila bago magkanya-kanya ng kanilang landas.

Photo Credits: Youtube.com | Pops Fernandez

“We ran across a little problem. And suddenly, it became much bigger. And I guess we both realized that it was something na both of us could not make certain adjustments to,”saad

Dagdag pa nga ng aktor, ay mas mabuti umano na maghiwalay na lamang sila, kaysa ipilit pa ang kanilang relasyon.

Photo Credits: Youtube.com | Pops Fernandez

“Instead of forcing it, let’s just go separate ways,”pahayag pa ni Derek.

Kwento pa nga ng aktor, ay hindi naman raw galit sa kanya si Andrea at wala silang naging samaan ng loob bago maghiwalay. Makikita pa nga raw, na maayos ang lagay ni Andrea ngayon, kung saan nakabalik na ito sa trabaho at mas lalo pang gumanda.

Photo Credits: Youtube.com | Pops Fernandez

“I never unfriended Andrea. There’s no hate siguro towards each other. You can see that she’s back into work, she looks great, she’s been working out.”

Saad pa nga ng aktor, ay pareho na silang masaya ni Andrea kung kaya’t mag-move on na lang. Sa kabila naman ng natatanggap na panghuhusga mula sa iba, ay ipinagpasalamat ni Derek na meron siyang mga kaibigan at pamilya na nakasuporta sa kanya.

Photo Credits: Youtube.com | Pops Fernandez




“People think that I’m insensitive, but I have a supportive family and friends, good friends, who lift me back up. So, that’s what I have to… we have to move on.”

Samantala, matapos naman ang pag-amin nina Derek at Ellen, ay naibahagi na rin ni Andrea, ang mga plano niya sa buhay. At ito ay magpokus sa kanyang karera at pamilya.

Photo Credits: Youtube.com | Pops Fernandez

“Gusto ko po muna mag-spend ng time with myself. So Ganito na lang po muna talaga. Work and family and friends,”saad ni Andrea.

 

error: Content is protected !!