Connect with us

Entertainment

“Insane and insanely romantic. It was incredible“: DJ Mo Twister, Masayang Ibinahagi ang Pag-iisang Dibdib Nila ni Angelicopter na Naganap sa Iceland

Kakaiba at may halong adventure ang naging pag-iisang dibdib ng sikat at dating DJs ng Magic 89.9 na sina Mohan Gumatay o mas kilala sa tawag na DJ Mo Twister at long-time partner nitong si Angelicopter na kilala rin bilang Angelika Schmeing matapos maganap sa Iceland nitong Martes, June 15, 2021.

Sa isang Instagram post, nito lamang ika-16 ng Hunyo nang masayang ibalita ni DJ Mo na naganap na ang matagal nilang inaantay, ang maikasal sila ng kanyang asawa na si Angelicopter. Sa nasabing post ay ibinahagi ni DJ Mo ang larawan nila ng kanyang asawa kung saan kuha sa isa sa mga magandang tourist destination sa South Iceland.

Photo credits: djmotwister | IG

Makikita nga ang matamis na ngiti sa mga labi ng newlyweds sa larawan at sa kanilang background naman ay masisilayan ang magandang tanawin na hatid ng Kvernufoss falls.

Pagbabahagi naman ng sikat na DJ, ay matagal na nilang plano ang maikasal sa Iceland, ngunit hindi nila akalain na aabutan nila ang summertime snow storm roon. Dahil dito, ay hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan dahil nabago ang schedule ng kanilang kasal at matinding hirap rin ang kanilang hinarap para makahanap lamang ng magandang spot para sa kanilang wedding ceremony.

Ngunit, hindi naman hadlang ang snow storm sa dalawang pusong nag-iibigan at nais nang maikasal. Sa kabila nga ng storm storm, ay natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib at hindi rin nahadlangan ang dalawa na isuot ang kanilang wedding attire sa kanilang espesyal na araw. Makikitang nakasuot ng suit ang groom, samantalang ang bride naman ay napagandang pagmasdan na taglay ang maladyosang kagandahan sa suot nitong whimsical dress.

“We moved to several locations, the kids nearly froze to deth, they had to stay in the hotel cuz they just couldn’t handle the weather any longer, then like a miracle, we found a bright, calm and SUNNY spot wherein it ended up with just the two of us.”

Photo credits: djmotwister | IG

Sa kabila naman ng hindi nasunod na wedding day plans, ay hindi naman maipagkakaila na talagang ramdam nila ang mainit na pagmamahal sa isa’t isa sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Kahit nga madaming pagsubok ang kanilang naranasan sa gitna ng kanilang paghahanda sa seremonya ng kasal, ay hindi matawaran ang kanilang saya dahil sa wakas ay naganap na ang kanilang pag-iisang dibdib.

Photo credits: djmotwister | IG

Photo credits: djmotwister | IG

“Insane and insanely romantic. It was incredible. Our amazing videographer did an awesome job leading the way. And yay! I get to finally wear a wedding ring!! I love you @angelicopter, no wedding hashtag.”

Photo credits: djmotwister | IG

Sa Instagram stories ni DJ Mo, ay ibinahagi niya ang isang video kung saan napapalibutan ng yelo ang inaakyat nilang bundok. At may layong 1.5 kilometers mula sa starting point ang kanilang lalakarin bago nila marating ang Kvernufoss falls. Makikita rin sa video na kasama pa nila ang kanilang mga anak na sina Amsterdam at Lucas, na anak ni Angelicopter sa kanyang dating nakarelasyon.

Matatandaan na noong Mayo ng nakaraang taong 2020 nang ma-engaged sa isa’t isa sina DJ Mo at Angelicopter matapos ang walong taong relasyon. Sa ngayon ay masayang naninirahan ang kanilang pamilya sa Las Vegas.

error: Content is protected !!