Gaano ka ba kadalas makakita ng palaboy na hayop? Minsan din ba ay naisip mo itong iuwi sa inyong tahanan? Bibihira lamang ang mga taong gumagawa ng ganitong bagay dahil mas pinipili nilang bumili na lamang ng alagang hayop.
Ngunit ang pamilyang ito na nagmula sa Thailand ay nakakita ng isang kuting sa gitna ng daan na malapit sa kanilang bahay at naisipang kupkupin ito bilang isang alagang hayop.
Ang pusang kanilang napulot ay medyo kakaiba ang itsura kumpara sa mga ibang palaboy na pusa. Sinabi ng mga eksperto na ang pusang ito ay katangi-tangi at napakabihira lamang makita.
Kung titingnang maigi, ang pusang ito ay napakalayo sa pangkaraniwang na pusa dahil napakaganda ng balahibo nito.
Humingi agad sila ng tulong mula sa “Wildlife Friends Foundation Thailand” (WFFT) upang makakuha ng lehitimong abiso at tulong para sa pusa.
Nang dumating na ang pangkat ng mga tagasagip mula sa organisasyon ng WFFT, ikanagulat nila ng makita ang kuting. Isa pala itong “fishing cat” na tinatawag din sa pangalang “Prionailurus Viverrinus.” Isa itong uri ng mapanganib na pusa na makikita sa Timog-silangang bahagi ng Asya.
Ang pusang iyon ay pawang ilang oras pa lamang ang edad.
“Nagsuspetsa kami kung bakit ang kuting na ito ay nakitang hindi kasa-kasama ang kanyang ina,” isinaad ng WFFT sa kanilang Facebook page noong ika-9 ng Disyembre.
Tinanong ng mga kinauukulan sa WFFT ang pamilya kung paano nila ito nakita ng mag-isa lamang. Nalaman nila na isang taon na pala ang nakalilipas ng makita ng pamilyang ito ang isang pusang pagala-gala sa isang palayan. Inalagaan nila ang pusa hanggang ito ay lumaki at pinakawalan din naman pagkatapos.
“Inamin sa amin ng pamilya na ang nanay ng fishing cat ay bumabalik paminsan-minsan sa kanilang tahanan kung saan ito pinalaki.” nabanggit ng WFFT.
Isang araw, panansin ng ilan sa miyembro ng pamilya na ang nanay ng kuting na ito ay bumalik malapit sa kanilang tahanan. Hindi nila alam na nanganganak pala ito noong mga oras na bumalik ito malapit sa kanilang tahanan at nagulat nalang sila ng makita nila ang isang kuting pero wala na ang nanay nito.
Sinabi pa ng WFFT sa Facebook na: “Nang makita nila ang kuting, iniwan nila ito sa isang kahon ng ilang oras. Inisip nila na maaaring bumalik ang ina ng kuting at kunin ito mula sa kahon. Sa kasamaang palad, hindi na ito bumalik pa.”
Nagmadali ang mga tagasagip mula sa organisasyon ng WFFT na dalhin ang nanlalamig at nanghihinang kuting na iyon sa hospital upang mabigyan ng pagkain at matingnan ang kalusugan nito.
Nang makarating sa ospital, pinangalanan ni Aon, isang beterinaryo, ang napakabihirang kuting na iyon na Simba habang akay-akay ito malapit sa kanyang dibdib upang ito ay mainitan.
Sumailalim ang kuting sa tuloy-tuloy na pagsusuri mula sa isang pangkat ng beterinaryo mula sa WFFT upang matingnang maigi ang kalagayan ng pusa.
Inilagay siya sa isang espesyal na incubator upang mabuhay ito at hindi grumabe ang kundisyon.
Kinakailangang mabuhay ni Simba dahil isa itong espesyal na uri ng pusa na nangangambang malipol o maubos.
Isinalaysay ng WFFT sa kanilang Facebook post na: “Ang mga Fishing Cat ay nahaharap sa bingit ng eksterminasyon mula sa iba’t-ibang uri ng pusa mula sa pinakamaliit hanggang sa katamtamang laki sa Timog-silangang Asya.”
“Isa sa mga dahilan nito ay ang kawalan at pagkasira ng kanilang natural na tirahan at pati na rin ang walang tigil na pag paslang ng mga lokal na tao sa mga Fishing Cat. Nagdulot ito ng pagbaba sa kabuuang populasyon ng Fishing cat na halos 30% o mahigit pa sa loob ng 15 taon.” dagdag na sinabi ng WFFT.
Sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-aalaga at pagbabantay ng mga beterinaryong mula sa pangkat ng WFFT, hindi pa din tumagal ang buhay ni Simba.
Nasawi ang kuting na ito noong ika-10 ng Disyembre, 2016 sa oras na 3:00 am ng madaling araw sa ilalim ng obserbasyon ng beterinaryo na si Aon.
Anong masasabi ninyo sa masalimuot na pangyayari sa pusang si Simba? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulong ito.