Connect with us

Entertainment

Ina Raymundo, Proud Nanay sa Kanyang Panganay na Anak na si Erika Rae, Matapos Makapasok sa Isa sa Bigating Music School sa Amerika

Isang magandang balita ang hatid ng aktres at mahusay ring dancer at singer na si Ina Raymundo sa publiko. Kung saan ay labis na ipinagmalaki ng aktres ang kanyang panganay na anak matapos makapasok sa isang kilalang music school sa Amerika.

Kilala na si Ina Raymundo sa industriya ng showbiz bilang isa sa may pinakamagandang mukha at pinakaseksing aktres sa industriya. Maliban naman sa kanyang angking galing sa pag-arte ay may talento rin siya sa pagkanta at sayaw.

Hindi naman nakapagtataka kung ang kanyang magagandang katangian, at talentong taglay ay namana ng kanyang mga anak. Si Ina ay may limang anak na talaga namang pawang mala-artistahin ang looks. Isa na nga rito ang kanyang panganay na anak na si Erika Rae Poturnak na ang taglay na ganda ay sadyang kahanga-hanga at isa ring mahusay na mang-aawit na tulad ng kanyang ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rikki🦎🌈 (@erikarae.p)

Matatandaan na minsan nang ipinagmalaki ni Ina ang tagumpay ng kanyang anak na si Erika Rae matapos ipamalas ang talento nang pumirma ng kontrata sa talent agency na Conerstone Entertainment Inc. noong nakaraang taon lamang. At bilang isang ina nga ni Erika, ay talagang isang proud mommy si Ina sa nakamit na tagumpay ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rikki🦎🌈 (@erikarae.p)

At kamakailan lamang ngayong taon, ay muling ipinagmalaki ni Ina ang kanyang panganay dahil isa na namang tagumpay ang nakamit nito. Ito nga ay dahil nakapasok sa isang sikat at bigating music school si Erika upang mas lalo pa niyang mahasa ang kanyang talento. Ang prestiyihosong music school na ito ay ang Berklee College of Music na matatagpuan sa Amerika.

Photo credits: erikarae.p | IG

Ang labis na kaligayahan at pagiging proud mommy ni Ina ay kanyang idinaan sa isang Instagram post. Nasabing post ni Ina, ay sinabi niya na hindi niya intensyon ang magyabang ngunit, hindi niya lang talaga mapigilan ang sarili na maging proud sa kanyang panganay na anak sa nakamit nitong tagumpay.

Photo credits: erikarae.p | IG

Caption nga ni Ina sa kanyang post “As much as possible I don’t want to brag BUT my first born has been accepted to the 2nd most prestigious music shool in US, the Berklee College of Music! I’m so proud of her! #ErikaRaePot.”

Photo credits: erikarae.p | IG

Masasabi nga na malaking tagumpay ito sa milestone ni Erika sa pag-abot ng kanyang pangarap bilang isang mahusay na singer. Sa nasabing music school rin nagmula ang mga sikat na American artists na tulad nina John Mayer, Charlie Puth at Quincy Jones.

Photo credits: erikarae.p | IG

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng pagbati sa nakamit na tagumpay ni Erika.

error: Content is protected !!