Connect with us

Entertainment

Ina Raymundo, Namimiss Na Ang Kanyang Panganay Na Anak Na Si Erika Rae Matapos Magtungo Sa Amerika Upang Doon Mag-aral

Ang aktres at celebrity mom na si Ina Raymundo ay kilala rin sa kanyang tunay na pangalan bilang Rina Marie Padilla Raymundo. Ang kasikatan ni Ina sa showbiz ay nagsimula noong dekada 90, kung saan nga siya ay nasilayan sa 1995 San Miguel Beer’s television advertisement na “Sabado Nights”.

Lumikha ng sariling pangalan si Ina sa mundo ng showbiz, na kung saan nga ang kanyang husay sa pag-arte ay ilang ulit na nakatanggap ng parangal. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung hanggang sa kasalukuyan ay nakatatak parin sa puso ng kanyang mga tagahanga ang kanyang mga naging proyekto.

Samantala, naging makulay rin ang buhay pag-ibig ni Ina sa piling kanyang Ukrainian-Canadian businessman husband na si Brian Poturnak. At ang kanilang matamis na pagsasama ay biniyayaan ng limang anak. Sila ay sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage at Minka Eve.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)

Tila naman hindi sanay na mawalay si Ina sa kanyang mga anak. At kamakailan lamang nga ay hindi maiwasan ng aktres ang maging emosyunal sa kanyang post. Sa kanyang Instagram account, ay idinaan ni Ina ang kanyang nararamdaman, kung saan nga ay namimiss na niya ang kanyang panganay na anak na si Erika Rae matapos magtungo sa Amerika para doon mag-aral ng kolehiyo nitong nakaraang Agosto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)

Nito lamang araw ng Linggo nang ibahagi ni Ina sa kanyang Instagram ang throwback photo ng kanyang anak na si Erika Rae na kuha noong baby pa lamang ito. Ayon nga sa caption ng kanyang post, ay namimiss na niya ito. At ito nga ang pinakamatagal na sandali na hindi niya nakita ang kanyang anak.

“Getting senti, missing my firstborn. This is the longest time I have not seen you ate.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)

Dagdag pa ng celebrity mom, ay napaka-cute umano ni Erika noong baby pa lamang ito at hanggang sa ngayon nga ay nanatili parin ang kacutan ng kanyang panganay na anak. Mababakas rin sa mensahe ni Ina ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang anak.

Aniya,“You were really cute when you were a baby but you’re still cute now. Nothing has changed. I love you.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)

Matatandaan na ang panganay na anak ni Ina na si Erika Rae matapos matanggap sa Berklee College of music noong nakaraang buwan ng Mayo, ay lumipad patungong Amerika para doon mag-aral ng kolehiyo. Makikita nga na sa Instagram ng aktres, ay ibinahagi niya ang isang video kung saan makikita ang pamamaalam ni Erika sa kanyang pamilya bago tuluyang lisanin ang Pilipinas.

“It’s bittersweet to see my firstborn leave for college.”

“Well, goodbye for now. We will miss you and your craziness. We love you, ate and we wish you all the best.”

error: Content is protected !!