Ina Raymundo Naging Emosyonal sa Kanyang Instagram Video Post Habang Natutulog ang kanyang Anak na si Jacob

Ang pagiging ina ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ng mga babae kaya naman gagawin nila ang lahat para lang magkaroon ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Hindi maipagkakaila na sa pagitan ng ina at ama, ang ina ang unang nagiging emosyonal pagdating sa kanilang mga anak.

Nagiging emosyonal sila minsan kapag naaalala nila ang sangol na kapit kapit at inaalagaan nila noon ay isa ng dalaga/binata na at may sarili ng desisyon sa buhay ngayon.



Ang ganitong koneksyon ng isang ina sa kanyang mga anak ay marahil dahil siya ang nagdala sa kanila sa kanyang sinapupunan, nagluwal at nagpakilala sa mundong ngayo’y kanilang ginagalawan. Isa na ngang halimbawa dito si Ina Raymundo na kamakailan lang ay naging emosyonal sa ibinahagi niyang video sa kanyang Instagram account.

Makikita sa video ni Ina na naging emosyonal ito habang pinamamasdan ang natutulog niyang anak na si Jakob Poturnak.

Ayon sa kanyang post, hindi siya makapaniwala na ang dating cute na sangol at nagiisa niyang anak na lalaki na mama’s boy pa ay malaki na ngayon at mas matangkad pa sa kanya. Ani niya,

“Bittersweet. I see my 15 year old son, my only boy, who’s way taller than me now, muscular, his voice is deep and his legs are so hairy. Then I remember him as my cute, little, mama’s boy. It makes me cry”.



Dagdag pa ni Ina na ang suot suot niyang damit sa video ay ang pinaglumaang t-shirt ng kanyang anak na si Jakob na ngayon ay mas matangkad pa sa kanila ng kanyang panganay na anak na si Erika. Si Ina Raymundo at ang kanyang Canadian na asawa na si Brian Portunak ay may limang anak at si Jakob ang pangalawa at nag-iisang lalake sa mga ito.

Pero bukod kay Jakob ay madalas din ipost ni Ina sa kanyang social media account ang ilan pa sa kanyang mga anak at madalas mga larawan at video ng mga ito ang laman ng kanyang IG account.