Connect with us

Entertainment

Ina Ni Sarah Geronimo Na Si Mommy Divine, Nais Papirmahin Ng Prenuptial Agreement Si Matteo

Ang pag-aasawa ay isa sa pinakamahalagang parte ng ating buhay kung saan magkakaroon tayo ng panibagong panimula at sariling buhay sa pagbuo ng pamilya.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram




Kaya naman sa paghahanda pa lang sa nalalapit na araw ng kasal ay talagang pinag-iisipang mabuti ang bawat detalye. Kasabay ng pag-asikaso ng mga kinakailangan sa araw ng kasal, ay hindi rin mawawala ang suporta ng mga mahal sa buhay lalong-lalo na ang suporta at pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak na ikakasal.

Photo Credit: Sarah Geronimo Instagram

Kamakailan lamang ng mapabalita ang engagement ng celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at ngayon nga ay nalalapit na ang araw ng kanilang kasal na gaganapin sa March.

Labis ang paghahanda ng celebrity couple sa kanilang nalalapit na kasal, ngunit tila ba hindi nila nakukuha ang suporta ng ina ni Sarah na si Mommy Divine sa espesyal na araw na ito.

Photo Credit: Sarah Geronimo Instagram

Ayon sa blind item ng isang sikat na entertainment site, ang soon-to-be bride na si Sarah ay abala na sa paghahanda at pag-aayos ng mga kinakailangan sa kanyang nalalapit na kasal ngunit ang ina umano nito na si Mommy Divine ay hindi tinutulungan ang kanyang anak. Na kung saan ay dapat na nakasuporta at tumutulong bilang isang ina sa espeyal na araw na ito ng kanyang anak.




Ayon sa blind item, ang ina umano ng isang sikat na singer ay hindi nakikipagtulungan sa nalalapit na kasal ng anak nito. Bagamat hindi pinangalanan ang blind item ay agad na natukoy ng mga netizens kung sino ang tinutukoy nito dahil wala namang ibang celebrity couple na magpapakasal sa darating na March maliban kina Sarah at Matteo.

Photo Credit: Sarah Geronimo Instagram

Upang magbigay galang sa pamilya ni Matteo at sa angkan nito, ang pag-iisang dibdib ng dalawa ay gaganapin sa Italy. Ngunit, may kumakalat na balita na hindi raw makakapunta ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa kadahilanang hindi raw ito nakakuha ng visa na kinakailangan upang makalabas ng bansa at makadalo sa naturang kasal.

Photo Credit: Google Image

Ayon pa sa ibang report, hindi rin raw nakikipag-cooperate si Mommy Divine sa wedding coordinators dahil ayaw umano nitong magpasukat para sa gown na susuotin nito. Sa kabila ng mahinahong pakikipag-usap ng stylist upang mapapayag lamang ito. Kahit sinabi na ng stylist na lalagyan ng allowance ang sukat ng gown, ay hindi ito nagpatinag sa kanyang desisyon at sinabi pa na baka tumaba siya at hindi na magkasya ang gown sa kanya.

Photo Credit: Google Image

Ang higit na nakakaintriga sa mga report ay gusto rin umano ni Mommy Divine na pumirma si Matteo ng isang prenuptial agreement ngunit ang bagay na ito ay agad na tinutulan ng singer na si Sarah. Hindi pumayag si Sarah na magkaroon ng ganitong pangyayari dahil ayaw niyang ma-offend ang kanyang mapapangasawa.




Ang kasal ay espesyal na araw para sa dalawang taong nagmamahalan at mas magiging masaya ang pagsasama ng dalawang pinag-isang dibdib kung may basbas at suporta mula sa magulang. Kaya naman sana magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan ang mag-inang Sarah at Mommy Divine sa nalalapit na araw ng kasal ni Sarah.

error: Content is protected !!