Connect with us

Entertainment

Ina Ni Judy Ann Santos Na Si Mommy Carol Masayang Nagdiwang Ng Kanyang 75th Birthday

Ang ating ina nga ang isa sa pinakaimportanteng tao sa ating buhay. Sila ang taong nagluwal sa atin sa mundong ibabaw, at siya ring nag-alaga at nagsakripisyo sa pagpapalaki sa atin. Ang pagmamahal nga ng isang ina ay tunay ngang hindi matatawaran. Lahat nga ay ginagawa nila para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.

Photo Credits: Judy Ann Santos |IG

Kaya naman, napakapalad ng mga ina na nasusuklian ang pagmamahal na kanilang ibinibigay sa kanilang mga anak. Karapat-dapat lamang nga na mahalin at ituring na isang kayamanan ang ating ina. At isa nga sa mga mapagmahal na anak na talagang hindi nagsasawang iparamdam ang pagmamahal ng isang anak, ay ang aktres na si Judy Ann Santos.

Photo Credits: Judy Ann Santos |IG

Bilang isang anak nga ay talagang mahal na mahal ni Juday ang kanyang ina na si Mommy Carol. Kaya naman, sa pagdiriwang ng ika-75 taong kaarawan nito ay isang nakakaantig na mensahe na puno ng pagmamahal ang ipinaabot ni Juday sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Photo Credits: Judy Ann Santos |IG

Sa kanyang post sa Instagram, ay ibinahagi niya ang mga larawan na kuha sa masayang pagdiriwang ng birthday ni Mommy Carol. Makikita nga sa mga larawan na nagkaroon masayang salo salo ang kanilang pamilya. Base naman sa caption ng IG post ni Juday ay noong ika-25 ng Pebrero naganap ang espesyal na okasyon.

Photo Credits: Judy Ann Santos |IG

Ayon nga kay Juday, ang espesyal na pagdiriwang na ito ay para sa pinakamahalagang tao sa kanilang buhay, na itinuturing nilang “diamond”. At ito nga ay walang iba kundi ang kanilang ina. Nagpasalamat rin si Juday sa lahat ng ginawa nito para sa kanilang pamilya.

“Feb. 25, 2022. Yesterday we celebrated the most precious and special diamond ever… our rock, our prayer warrior.. our mother.. thank you ma for everything.”

Photo Credits: Judy Ann Santos |IG

Isa nga sa ipinagpasalamat ng aktres ay ang pagturo sa kanila kung paanong mabuhay at magmahal. At isa rin sa aral sa buhay na kanyang natutunan dito ay ang pagpapahalaga sa pamilya higit pa sa anong bagay. Kaya naman, talagang isang priceless diamond nga kung ituring ng aktres ang kanyang Mommy Carol.

Photo Credits: Judy Ann Santos |IG

“For teaching us how to live and love and treasure family first above anything and everything.. you are my one and only priceless diamond.”

Sa kanyang post ay pinasalamatan rin niya ang mga caterers at event organizers na naghanda ng masayang selebrasyon para sa 75th birthday ng kanyang Mommy Carol. Hindi rin nakalimutan ni Juday na pasalamatan ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo na ayon sa aktres ay siyang nakaisip ng magandang ideya para magkaroon ng masayang pagdiriwang.

“Thank you bub for all your wonderful ideas, it wouldn’t be this amazing without you.”

error: Content is protected !!