Connect with us

Entertainment

Ina ni Ivana Alawi na si Mama Fatima, Napaiyak Matapos Surpresahin ni Ivana ng Isang Bago at Mamahaling Sasakyan

Ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi, ay pinuno ng saya at inspirasyon ang taon ng 2020 ng kanyang mga nakakaaliw na vlog. Napatawa, napaiyak at pinakilig tayo ni Ivana noong nakaraang taon sa kanyang mga vlog. At ngayong 2021, ay mas lalo pa tayong mapapasaya at mapapahanga ni Ivan, hindi lamang ng kanyang ganda, kundi pati na rin ng kanyang kabutihang loob.




Sa pagsalubong ng bagong taon, ay bagong vlog na maghahatid sa atin ng saya, ang ibinahagi ni Ivana sa kanyang Youtube Channel nito lamang ika-10 ng Enero.

Dahil nga, si Ivana ang isa sa pinakamagaling pagdating sa prank, sa pagbungad ng taon, ay prank agad ang hatid ni Ivana sa kanyang Mama Fatima o kilala rin bilang Mama Alawi. Ngunit, pagtapos nito ay isang surpresa ang inihanda ni Ivana para sa kanyang ina.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa vlog na ipinamagatang ‘Naprank Si Mama Alawi + Surprise!’ na naglalaman ng 23 minuto, mapapanood ang nakakaaliw na prank ni Ivana sa kanyang ina at nakakaantig na tagpo matapos nitong matanggap ang surpresa.

Sa unang bahagi ng vlog, mapapanood na nagtungo si Ivana sa car dealer kung saan naghanap siya ng sasakyan na babagay sa kanyang ina bilang regalo. At matapos makita ang mga sasakyan, ang pumasa sa panlasa ni Ivana ay ang top-of-the-line Ford Expedition Limited SUV na kulay Metallic Blue. Gamit ang Lyka gems na nagkakahalaga ng 3,731650 ay binayaran ni Ivana ang sasakyan via Lyka Mobile App. Matapos nito, ay agad nang umuwi si Ivana upang itago ang sasakyan upang isurprise ang kanyang Mama Fatima.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Samantala, nang sumunod na araw ay isinagawa na ni Ivana ang prank sa kanyang Mama Ivana kung saan ay kasabwat niya ang mga kapatid na sina Mona at Hashim. Sa naturang prank, ay nag-away si Ivana at Hashim sa harap ng camera habang nakatingin ang kanilang ina. Nagkunwari namang galit si Hashim at nag-walk out matapos sabihing lalayas na lamang ito. Sinundan naman ito ni Mona, at ang dalawa nga ay nagtago. Samantalang si Ivana naman ay pinagsabihan ng kanyang ina.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Maya-maya pa, ay sinundan ni Mama Alawi si Hashim sa garahe, ganun rin ang ginawa ni Ivana. Sabay-sabay na sumigaw ng “surprise” ang magkakapatid, nang makita ng kanilang ina ang sasakyan na may ribbon.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube




Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Noong una nga, ay hindi ito makapaniwala na kanya ang mamahaling sasakyan na nasa kanyang harapan. Ngunit, nang ipakita ni Ivana ang mga dokumento ay hindi na nito napigilan pa ang mga luha sa labis na kaligayahan.

Tunay nga na isang mapagmahal na anak, at napakabuti ng puso ni Ivana kung saan ay inuuna niya ang kanyang mga mahal sa buhay bago ang kanyang sarili.

error: Content is protected !!