Connect with us

Entertainment

Ina ni Edgar Allan Guzman, Naging Emosyunal Matapos Tuparin Ng Aktor Ang Matagal Na Nitong Pinapangarap Na Bahay

Walang pagsidlan ng tuwa at abot langit ang pasasalamat ng ina ng aktor na Edgar Allan Guzman matapos nitong matanggap ang ipinangakong bahay ng kanyang anak sa loob ng mahabang panahon.

Ngayong kapaskuhan ay talaga namang namamayani ang diwa ng pagbibigayan at pagmamahalan. Nag-uumapaw sa dami ng regalo ang natatanggap ng marami mula sa kanilang mga mahal sa buhay. At hindi talaga sila nag-alinlangan na iparamdam ang pagmamahal sa kanilang mga mahal sa buhay.

Katulad na lamang nga ng aktor na si Edgar Allan Guzman na tinupad ang matagal nang pinapangarap ng kanyang ina na magkaroon ng isang bago at napakagandang bahay. At kamakailan lamang nga, ay masayang ibinahagi ni EA sa publiko na naipatayo na niya ang bahay na matagal na niyang naipangako sa kanyang ina.

Matatandaan nga sa mga panayam na madalas sabihin ni EA, kahit na noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang karera na nais niyang magkaroon ng sariling bahay ang kanyang pamilya dahil nangungupahan lamang sila kasama ang kanyang mga kapatid at ina. At matapos nga ang limang taon na kakapangako sa kanyang ina, sa wakas nga ay naisakatuparan na ito ng aktor.

Minsan pa ngang nabanggit ni EA sa mediacon pelikulang “Coming Home” noong 2020 na talagang todo ang kanyang ginagawang pag-iipon para matupad niya ang kanyang pangako sa kanyang ina na mapatayuan ito ng bahay. At siyempre, kapag natupad na niya ang pangakong ito, ay tutuparin naman niya ang sariling kaligayahan na maikasal sa kanyang girlfriend na si Shaira Diaz na pitong taon na niyang karelasyon.

Minsan na ring naikwento ni EA noong 2020 sa isang panayam na nakabili na nga siya ng lupa na pagtatayuan ng bahay. Ngunit, kailangan niya talagang makapag-ipon para maipatayo na ang bahay.

“Pangarap kong patayuan this year (2020) kasi ayokong mag-loan sa bangko, gusto ko (galing) sa sarili kong bulsa kaya nag-iipon pa kaya medyo na-delay ng konti. Gusto ko kapag itinayo ko may matitira pa rin sa akin kahit paano, ayoko ng all out.”

At matapos nga ang halos limang taon, sa wakas nga ay natupad na ni EA ang pangako niya sa kanyang ina ngayong pasko. Isang napakagandang regalo nga itong matagal nang hinihintay ng ina niyang si Sarrie Guzman.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni EA ang isang video kung saan makikita ang ginawa niyang supresa sa kanyang ina. At makikita nga na naging emosyunal at hindi matawaran ang kaligayahan ng ina ni EA nang masilayan ang surpresang inihanda ng kanyang anak.

Makikita na na dinala ni EA ang kanyang ina sa lokasyon ng bahay nang naka-blind fold at sa pag-alis nga ng piring sa mga nito, ay talagang nasulyapan sa mukha nito ang “priceless” nitong reaksyon. Labis nga ang saya ng ina ni EA, kung saan nga ay napahiyaw pa sa tuwa at sa huli nga ay hindi nito naiwasan ang maging emosyunal at mapaiyak.

“About last night. Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas, Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA.”

error: Content is protected !!