Connect with us

Entertainment

“I’m still Janella”: Janella Salvador, Naglabas ng Kanyang Saloobin Tungkol sa Mga Natatanggap na Komento na Nanghihinayang Dahil sa Kanyang Pagiging Batang Ina

Ang aktres na si Janella Salvador ay isa sa pinakasikat na artista ng kanyang henerasyon. Taglay ni Janella ang magandang mukha at husay sa pag-arte na talagang hinahangaan ng lahat.

Credits : Janella Salvador | IG

Ilang ulit na nating nasilayan ang natatanging husay ni Janella sa pag-arte sa mga teleserye na kanyang pinagbidahan. Ngunit, maliban rito ay may natatanging talento rin si Janella bilang isang mahusay na singer. Tila nga lahat ng magagandang katangian at talento ng isang artista ay makikita kay Janella.

Kaya naman nang mapabalita ang kanyang pagbubuntis sa batang edad, ay marami ang natanggap na komento ng aktres na nagasasabing nanghihinayang sa kanya. Matatandaan na noong nakaraang taon, nang magtungo sa United Kingdom si Janella na kung saan nga ay naroon ang pamilya ng kanyang Filipino-British boyfriend na si Markus Paterson. At noong October 20, 2020, ay napag-alaman nga na isinilang ni Janella ang isang malusog na baby boy sa Bath, Somerset, England at ito’y pinangalanang Jude.

Credits : Janella Salvador | IG

Matapos nga nito, ay tuluyan nang naging bukas sa publiko si Janella sa buhay ng kanyang pamilya. Ngunit, hindi naman maiwasan ng aktres na makatanggap ng mga negatibong komento mula sa madla dahil sa kanyang pagiging batang ina. At kamakailan lamang nga sa isang vlog kung saan naging guest siya ng aktres na si Erich Gonzales, ay hindi na nakapagpigil pa si Janella na maglabas ng kanyang saloobin.

Makikita sa nasabing vlog na habang kumakain, ay masayang nagkukwentuhan ang dalawang Kapamilya stars. Isa sa naging takbo ng kanilang usapan ay ang tungkol sa mga pangyayari sa buhay ni Janella magmula nang maging isa siyang ganap na ina sa kanyang baby boy na si Jude. At dito nga, ay naglakas loob na si Janella na ilabas ang kanyang saloobin at nararamdaman patungkol sa mga nagsasabi ng hindi maganda at nanghihinayang sa kanya dahil sa pagkakaroon niya ng anak sa batang edad.

Credits : Janella Salvador | IG

“Well, for sure, it’s obvious naman na when people in our line of work get pregnant, lalo na at my age, ang daming different opinions and, like, judgments.”

“Ngayon, I’m sure mas open na din yung mga tao kasi ang dami ko din namang mga messages na congratulating me and ang dami ding mga positive messages.”

Ayon kay Janella, ay hindi naman nabawasan ang kanyang pagiging isang artista at singer nang isilang niya ang kanyang anak na si Baby Jude. Dahil kahit may anak na siya ay kaya niya paring ipakita ang kanyang talento sa pag-arte, at patunayan lalo ang kakayahan niya bilang isang singer. Kaya naman, ang pagkakaroon niya ng anak sa gitna ng matagumpay niyang karera ay hindi dapat panghinayangan.

“Pero of course, hindi mawawala yung notion na parang, ‘ay sayang,’ parang ganun. Maraming ganun na parang, ‘sayang, sayang, sayang.’But honestly, I’m out to prove that nanganak lang naman ako, e, di ba?

Dagdag pa ng aktres, ay nanganak lamang siya ngunit hindi naman nawala ang kanyang talento. At ang pagiging isang ina ay hindi magiging hadlang para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Credits : Janella Salvador | IG

“Like, I’m still Janella. I just gave birth, but I still can do what I can do. Yung mga nagagawa ko dati, nagagawa ko pa rin naman.I can still act, I can still sing. All I have to do is lose more weight. Basically, I just want to prove not just to others but also to myself na kayang-kaya. Motherhood doesn’t stop someone from achieving their dreams.”

.

error: Content is protected !!