Connect with us

Entertainment

“I’m Positive Psychology student”: Jennica, Garcia, Ibinahagi na Nakapokus na Siya Kung Paano Mapapaunlad ang Kanyang Sarili, Muling Bumalik sa Pag-aaral

Naging mainit na usapin sa social media ang tungkol sa hiwalayan ng aktres na si Jennica Garcia at asawa nitong si Alwyn Uytingco. Matapos kumpirmahin ni Jennica ang kanilang hiwalayan, tuluyan na ngang nagsara ang pinto sa puso ni Jennica para sa dating asawa. At ngayon nga, ay isang panibagong simula para sa kanyang sarili ang kanyang pinagkakaabalahan.

Ngayon nga ay isa nang single mother si Jennica, na talagang ginagawa ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang dalawang anak. Sa kabila naman ng mapait na nangyari sa buhay pag-ibig ni Jennica, ay mas lalo naman niyang pinahalagahan at minahal ang kanyang sarili.

Photo credits: Jennica Garcia | IG

At kamakailan lamang nga, ay masayang ibinahagi ni Jennica sa social media na mas nakatuon na ngayon ang kanyang pansin kung paano mapapaunlad ang kanyang sarili. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Jennica ang larawan kung saan makikitang na nasa gitna siya ng online class.

Photo credits: Jennica Garcia | IG

Ngayon nga, ay bumalik ng pag-aaral si Jennica kung saan ay nag-aaral siya ng Positive Psychology. Ibinahagi nga ni Jennica, na online ang kanyang pag-aaral kung kaya’t nakakapaglaan siya ng oras.

Kwento nga ng aktres, kapag wala siyang taping, ay tinitiyak niya na may 10 hours siya para sa kanyang pag-aaral para matapos ang kanyang mga dapat gawin. At kapag may taping naman siya, ay pinag-aaralan niya ang mga huling leksyon na kanilang tinalakay sa klase. Ginagawa ito ni Jennica kapag break time sa taping, kapag natapos niya ng kabisaduhin ang kanyang script sa Las Hermanas.

“I am not sure if I’ve shared it to you all before but I am Positive Psychology student. All my classes are done online. When I don’t have taping, I make sure that I have 10 hours (the very least) to focus on studying so that I get to submit my works on time. When I have taping, I review past lectures between breaks as soon as I’ve already memorized my script for Las Hermanas.”

Samantala, sa kanyang post ay hinikayat rin niya ang mga tulad niyang kahit nasa 30’s na ay nag-aaral parin at patuloy na inaabot ang pagtupad sa mga pangarap. Ayon pa nga kay Jennica, ay darating ang araw na aanihin na ang bunga ng kanilang itinanim. Binigyang-diin rin ng aktres na hindi pa huli ang lahat, sa pag-abot ng mga pangarap kahit na anumang sitwasyon ang kinakaharap ngayon.

Photo credits: Jennica Garcia | IG

“Are you like me? In your 30’s but still studying? AYOS LANG YAN! Kaya natin ito. We will one day reap what we sow. Aja!”

“It is really not too late to achieve your dreams and goals in life no matter what the situation is.”

Matatandaan na taong 2014 nang ikinasal sina Jennica at Alwyn na kung saan ay nahantong sa hiwalayan nitong taong kasalukuyan. Ang kanilang pagsasama naman ay biniyayaan ng dalawang babaeng anak, sina Athena Mori at Alessi.

Photo credits: Jennica Garcia | IG

Sa ngayon, ay muling nagbabalik showbiz si Jennica matapos ang ilang taong pamamahinga sa larangan ng pag-arte. At ngayon nga ay ipapamalas niya ang kanyang husay bilang isang Kapuso, kung saan ay nakasalang siya sa lock-in taping ngayon para sa kanyang bagong proyekto na Las Hermanas.

error: Content is protected !!