Connect with us

Entertainment

“I’m not the third party, thanks.”: Beauty Queen-Actress na si Cindy Miranda, Mariing Itinanggi ang Paratang ng mga Netizen na Siya ang Tinutukoy na Third Party sa Paghihiwalay ng Mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Bago pa man pumasok sa showbiz si Cindy Miranda bilang isang mahusay na aktres, ay kinoronahan muna siya bilang Bb. Pilipinas Tourism noong 2013. Nakasabayan niya ang magagandang beauty queens na sina Ariella Arida (Miss Universe 2013 3rd runner-up) at Bea Rose Santiago (Miss International 2013).

Maliban sa pagiging isang beauty queen ay may natatangi ring talento si Cindy sa pag-arte na kanyang ipinamalas sa kanyang mga naging proyekto tulad ng mga pelikulang Adan (2019), Maria (2019), Ang Pambansang Third Wheel (2018), at No Boyfriend Since Birth (2015).

Samantala, may bago na namang pelikulang pagbibidahan si Cindy kasama ang aktor na si Aljur Abrenica. At kasabay nga ng promotion ng kanilang pelikulang Nerisa, ay ang mainit na isyu ng paghihiwalay ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Photo credits: google.com

Nagkataong nagkasabay ang promotion ng bagong pelikula sa rebelasyon ng ama ni Kylie Padilla na si Robin Padilla na ang anak niya at asawa nitong si Aljur ay hiwalay na. Kaya naman, nabuo ang hinala ng maraming netizen na ang leading lady ni Aljur sa Nerisa na si Cindy ang diumanoy third party sa paghihiwalay ng mag-asawa. Ngunit, ang bagay na ito ay mariing itinanggi ni Cindy.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Matatandaan na noong July 6 nang ibahagi ni Cindy sa kanyang Instagram ang promotional photos para sa pelikulang Nerisa, kung saan ay dinagsa ng mga komento mula sa mga netizen matapos kumpirmahin ni Robin noong July 7 sa isang panayam ang paghihiwalay ng mag-asawa dahil sa third party.

Saad nga ng isang netizen na solid fan ng love team nina Kylie at Aljur,“Did you break our kyljur?”

Sagot ni Cindy: “No. not me.”

Photo credits: google.com

May nagkomento naman na sana raw ay trabaho lamang ang namamagitan sa kanila ni Aljur at huwag sanang manira ng pamilya. Tiniyak naman ito ni Cindy kung saan sinabi na professional sila sa trabaho at binigyang-diin pa na hindi siya ang third party.

“Sana pure work lang kayo. Wag ka sana manira ng pamilya,”saad ng netizen.

“Yes. Very professional. I’m not the third party, thanks,”sagot naman ni Cindy.

Isang mariing “No” naman ang isinagot ni Cindy sa ilan pang nagtatanong patungkol sa ibinabatong paratang sa kanya.

Sa komento namang nakakadiri at nakakababa ng pagkababae ang pumatol sa lalaking may asawa, ay isang pagsang-ayon ang naging kasagutan ni Cindy.

Photo credits: google.com

Sa panayam sa programang 24 Oras ay ipinaabot naman ni Kylie sa publiko ang paghingi niya ng respesto para sa kanilang pamilya. Tiniyak naman ni Kylie na sa kabila ng paghihiwalay nila ni Aljur, ay magkakaroon sila ng co-parenting setup para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.

Matatandaan na noong December 11, 2018 nang ikasal sina Aljur at Kylie kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Alas at Axl.

error: Content is protected !!