Connect with us

Entertainment

“I’m not in love with Miss World, I’m in love with Megan Young”: Mikael Daez, Ibinahagi Kung Gaano Niya Kamahal Ang Kanyang Misis Na Si Megan Young

Ang mag-asawang sina Megan Young at Mikael Daez, ay isa nga sa celebrity couples na talagang kinakikiligan ng publiko. Bagama’t, wala pa silang anak magmula nang ikasal noong 2020 ay makikita naman kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa.

Photo credits: Megan Young | IG

Ang parehong Kapuso artist at nagkatambal na sa ilang pelikula na tiyak ngang naghatid ng kilig sa bawat manonood. Kaya naman, mababakas naman talaga sa kanilang pagsasama ang tunay nilang pag-iibigan.

Photo credits: Megan Young | IG

Marami nga ang nakasubaybay sa kanilang isrtorya ng pagmamahalan at pagkatapos nga ng halos walong taong relasyon bilang magkasintahan ay nagpakasal na ang dalawa. Sa kanilang masayang buhay mag-asawa ay suportado pa rin ni Mikael ang career ni Megan sa pagpapageant.

Photo credits: Megan Young | IG

Matatandaan nga na sa naging journey ni Megan sa pagkamit ng korona bilang Miss World(2013) ay buong suporta ang ipinakita ni Mikael kay Megan. Sa panayaman ni Toni Gonzaga sa Kapuso couple na mapapanood sa YouTube channel ng tv host-actress, ay ibinihagi ni Megan Young kung gaano ka supportive ang kanyang asawa.

“Bakit hindi mo subukan? Kesa magkaroon ka ng what if tapos at the end of the day sasabhin mo dapat ginawa ko’to sana.”

Photo credits: Megan Young | IG

Dahil nga sa katagang ito na binitawan ni Mikael para kay Megan ay nagkaroon siya ng pinal desisyon upang lumaban sa Miss World. Hindi naging madali ang pagsali ni Megan sa Miss World lalo na’t magkalayo sila ni Mikael at minsan nalang magkita. Ang tanging pinanghahawakan ni Megan ay ang pagmamahal at suportang binibigay ni Mikae sa kanya.

Photo credits: Megan Young | IG

Ayon pa sa text message ni Mikael Daez “mag-cascade ka kung sino puwede bumoto sa ‘yo.’ Nag-i-stratetgize pa rin kami, ano ‘to laro?” na talaga ngang nakakatawa.

Sa ipinakitang 100% na suporta ni Mikael ay nakamit ni Megan ang korona bilang Miss World 2013. Habang sinasagawa ang nasabing malaking pageant ay nabanggit ni Megan ang kalungkutang makita ang kapwa kandata na nagsusuffer sa relationship problems at breakups.

Photo credits: Megan Young | IG

Kaya’t lubos ang kanyang pasasalamat sa kasintahan sa hindi pag-iwan nito sa kanya. Si Megan ang kauna-unang Miss World 2013 sa Pilipinas na naitala sa kasaysayan. Ang panalong ito ay nagbigay karangalan sa ating bansa. Talagang nga nakakaproud maging pinoy. Nang tanungin naman ng Tv host si Mikael kung ano ang pakiramdam ng may asawang beauty queen.

Sagot nito “I’m not in love with Miss World, I’m inlove with Bonez (tawag niya kay Megan)”.

Photo credits: Megan Young | IG

Mapapatunayang totoo ang pagmamahal at mataas na respeto ni Mikael para sa kanyang asawang si Megan. Ika nga ng dalawa tuloy ang relationship goals. Walang makakapigil at patuloy pa rin silang natututo at minamahal ang isa’t isa.

Photo credits: Megan Young | IG

Tunay nga na iba ang dulot ng suporta at tiwala upang mas lalong lumago ang pundasyon ng pagmamahalan. Makikita namang “they are still in love with each other” at walang kupas ang sweetness simula noong una pa lamang sa hanggang ngayon.

error: Content is protected !!