Connect with us

Entertainment

“I’ll do whatever it takes”: Pangako Ni Matteo Kay Sarah Bago Sila Ikasal

Muli na namang nagbigay ng ingay sa social media ang magkasintahang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, ito ay nang ibalita na matapos ang 6 na taong relasyon ng dalawa bilang magkasintahan sa wakas ay ikinasal na ang dalawa.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram




Sa paglabas nga ng balitang ang magkasintahang Matteo at Sarah ay ikinasal na sa isang civil wedding, naglabasan at muling ibinahagi sa social media ang mga video interview ng dalawa na kung saan ay ipinakita at ipinaglaban nila ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Matatandaan na sa anim na taong lumipas nang magsimula ang relasyon ng dalawa ay may ipinangako si Matteo sa kanyang kasintahang si Sarah at ito ay ang “I’ll do whatever it takes” o gagawin niya ang lahat para sa pagmamahalan nila kahit ano man ang mangyari.




Sa mga video naman ng dalawa na ibinahagi ay may isang video na kuha pa noong 2014 kung saan ay sinabi ni Matteo sa isa niyang interview kung gaano niya kamahal si Sarah at handa siyang ipaglaban ang aktres sa lahat ng pagsubok na dadaan sa kanilang relasyon.

Ilang taon na ring nagkarelasyon ang dalawa ng aminin ni Matteo sa isang interview niya sa talk show na The Buzz na nahirapan siya na makuha ang loob at approval ng mga magulang ni Sarah, ngunit ipinagmamalaki niya umano ang dalaga dahil natutunan na nito na ipaglaban ang kanyang nararamdaman at nanatili itong matatag para sa kanilang relasyon.

” Sarah’s parents, they’re like all parents, they’re just very protective….I understand them…But I also understand Sarah. She’s 26. She’s growing to become a beautiful lady, she’s becoming stronger. She’s standing up for herself. She’s becoming an independent woman.”

Ayon sa aktor sa naturang interview.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram




Ibinahagi rin ni Matteo kung gaano siya kaproud kay Sarah, dahil ipinaglaban siya nito at hindi bumitaw sa pagmamahalan na mayroon silang dalawa

“Ipinaglaban niya ako. That’s why I’m very proud of her. I’ll do whatever it takes.”

Dagdag pa ng aktor.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Talaga namang ipinagmamalaki ni Matteo na si Sarah ang babaeng kanyang minamahal. Ibinahagi ng aktor kung gaano kaganda ang kasintahan sa pisikal na anyo at kung gaano kabuti ang kalooban nito. Kaya ayon sa kanya ay hinding-hindi niya magagawang pakawalan ang isang babae na tulad ni Sarah Geronimo.

“This woman, she’s worth everything. It’s not because of who she is —-Sarah Geronimo. It’s the person who she really is outside the camera, without the makeup and everything. She’s very true. I don’t think I can find anybody like this person. I believe I don’t want to lose this one. “

Saad pa ni Matteo.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Talaga nga namang kahanga-hanga ang naging pagmamahalan nina Matteo Guidicelli At Sarah Geronimo, sapagkat hindi man agad sumang ayon ang mga magulang ng dalaga ay pinatunayan ng dalawa na handa nilang ipaglaban ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Ngayon nga, silang dalawa ay iisa na, hangad ng marami sa atin ang lubos na kaligayahan sa kanilang pagsasama.




error: Content is protected !!