Connect with us

Entertainment

Ilang Miss Universe Candidates, Inirampa ang Naggagandahang Gown na Obra ng mga Pinoy Designers

Kaabang-abang naman talaga ang pasiklaban at tagisan ng mga kandidata ng Miss Universe 2020 na matutunghayan sa ika-17 ng Mayo sa Hollywood, Florida, United States.

Isa nga sa inaabangan ng marami ay ang mga naggagandahang kasuotan ng mga kandidata. At ilan sa mga kahanga-hangang disenyo ng mga gown na suot ng ilang kandidata ng Miss Universe 2020, ay obra ng mga Pinoy designers.

Maliban nga sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Matteo na kung saan ay talagang inirampa at ibinida ang mga kahanga-hangang obra ng mga Pinoy designers, ay may ilan pang kandidata na ang kanilang mga natatanging ganda at disenyo ng kanilang mga suot sa prestihiyosong beauty pageant ay mula rin sa mahuhusay na Pinoy designers.

Isa na nga rito Miss Universe Canada Nova Stevens na ang napiling lumikha ng kanyang gown ay ang renowned Filipino designer na si Michael Cinco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NOVA (@thenovastevens)

 

Samantalang ang Miss Universe Belize Iris Salguero naman, ay obra ng isa pang Pinoy designer na si Jian Lasala ang kanyang irarampa.

“I presented five designs and then the fifth design…you know random thoughts are from the Lord and then that was the design that was chosen. Imagine all the colors of the sea in one gown,” pahayag ni Jian.

“Iris Salguero already visited the Philippines. She competed at Miss Earth and also competed with Catriona Gray in Miss World 2016 and she also competed with Karen Ibasco in 2017 so, sabi ng pageant fans parang daw siyang lucky charm ng Philippines. Sana sila ni Rabiya mag-Top 3 together.”

At para naman sa napakagandang gown na inirampa ni Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo sa preliminary gown competition, ay obra naman ng Dubai-based designer na si Furne One, kung saan ay naghanda umano ng apat na options para pagpilian.

“The designer prepared at least four options. We asked her to wear it and kung saan siya mas confident, ‘yun ‘yung susuotin niya ‘yung for the finals night.”

“Simple but it’s glamorous and I think it will really showcase her walk. The color complements her skin,” lahad ni Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup nang makapanayam ng 24 Oras.

Hindi naman maikakaila na sadyang napakaganda ni Rabiya sa suot niyang gown. At sa idinaos na preliminary evening gown at swimsuit competition, ay proud na inirampa ni Rabiya ang kanyang yellow evening gown. Sa kulay yellow namang swimsuit ay lutang na lutang ang taglay na kaseksihan ni Rabiya.

Pinahanga nga ni Rabiya ang publiko sa kanyang natatanging ganda sa suot na gown. Nag-uumapaw naman ang nakuha niyang suporta mula sa mga kababayan nating Pilipino, na talaga namang labis siyang ipinagmamalaki.

error: Content is protected !!