Connect with us

Entertainment

Ilan sa mga Kilalang Celebrities, Hindi Napigilang Mapa Comment at Kiligin sa TikTok Video ni RK Bagatsing at Jane Oineza

Muli na namang naghatid ng kilig sa onlineworld ang mag-on screen partner na sina RK Bagatsing at Jane Oineza kamakailan. Hanggang ngayon, ay mainit paring pinag-uusapan ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

At nito lamang ika-20 ng Mayo, ay tila nga may kasagutan na ang tanong ng marami kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila. Kasabay ng mainit na usaping ito, ay ang pagbabahagi ni RK ng isang video kung saan makikitang hinalikan ng aktor ang kanyang on-screen partner na si Jane, hindi sa pisngi kundi sa mga labi ng dalaga.

Sa TikTok video na ibinahagi sa Instagram ni RK, masisilayan ang sweet kiss na pinagsaluhan ng dalawa bago gawin ang patok na dance challenge ngayon na “Chosen”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RK (@bagatsingrk)

Matapos nga mapanood ng mga netizens ang video, at masilayan ang sweet kiss nina RK at Jane ay agad na umapaw ang kilig sa comment section ng post. Marami rin ang natuwa sa mga tahanga at kaibigan sa showbiz ng dalawa, sa kanilang tila pagkukumpirma ng kanilang relasyon. Ilan nga sa mga ito ay sina Enchong Dee, Sunshine Cruz, Ria Atayde, at Enzo Pineda.

Matapos nga ang ilang buwan ng samu’t saring espekulasyon ay tila natuldukan na ito ngayon, dahil sa kanilang sweet kiss na pinagsaluhan sa video dahilan nga upang kiligin ang kanilang mga tagahanga.

Matatandaan na noong pagdiriwang ng kaarawan ni RK, ay nagpaabot ng isang sweet message si Jane kay RK kung saan sinabi ng dalaga na ito ang kanyang “source of happiness”.

Unang nagkasama sa isang proyekto sina RK at Jane noong 2018 sa teleseryeng Araw at Gabi. Ang kanilang tambalan ay pumatok sa mga manood, hanggang sa muli silang nagkasama sa proyektong “Us Again”.

 

Noong nakaraang buwan ng Pebrero, ay may kumalat na espekulasyon na nagde-date na ang dalawa matapos nilang ibahagi sa Instagram ang isang larawan kung saan makikitang magkasama silang nagtungo sa Lake Caliriya sa Laguna.

Minsan naring nasangkot ang pangalan ni Jane na umano’y third party sa hiwalayan ni RK at kanyang non-showbiz girlfriend. At ang isyung ito, ay mariing itinanggi ng aktor nang ma-interview ni Boy Abunda.

“As far as I’m concerned, walang third party. We care about each other so much. Nag-usap kami nang maayos. We just couldn’t bring it back to what it used to be.”

error: Content is protected !!