Connect with us

Entertainment

Idol Raffy Tulfo, Isa ng Certified Lolo Matapos Ipakilala ang Kanyang Unang Apo sa Anak na si Maricel na Pinangalanan nilang si Baby Grayson Maxwell

Ipinakilala na ng batikang journalist na si Raffy Tulfo sa publiko, ang kanyang unang apo, na si baby Grayson Maxwell Tulfo – Tungol.




Ayon sa naging ulat ng KAMI, ipinakita ng “Lolo” ng si Raffy Tulso sa publiko si baby Grayson, sa isang episode ng kanyang programa, ng hilingin niya na makita at makausap ang kanyang apo, ito ay habang kausap niya “on-air”, ang anak niyang si Maricel o mas kilala bilang si Mar.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Ipinasilip naman ni Maricel, ang anak, habang ito ay karga-karga ng ama nitong si Atty. Garreth Tungol, na nagdulot naman ng labis na kasiyahan kay Raffy, ng masilayan na ang hitsura ng kanyang apo.
Ng mga oras ngang iyon, ay napakahimbing ng tulog ng sanggol na si Grayson Maxwell, at wala nga itong kamalay-malay na proud na proud ang kanyang Lolo Raffy, na siya’y ipakilala sa marami nitong mga manonood, bilang ang kanyang kyut na kyut na apo.

“Paglaki mo, matutwa ka ‘pag nakita mo ito”, ang naging pahayag nga ni Raffy.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Ayon nga sa proud lolo na si Raffy Tulfo, ay sa kanya nagmana ang kayang napaka-cute na apo.

“Ang cute, super cute, manang-mana sa akin’, ang naging makulit at naaaliw na sambit nga ni Raffy.

Samantala, si baby Grayson Maxwell, ay isinilang ng anak ni Raffy Tulfo na si Maricel , noong ika-28 ng Nobyembre 2020, sa ganap na ika-1:36 ng hapon.




Sa vlog ni Maricel, ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng bawat detalye ng kanyang pagsilang sa unang anak nila ng kanyan mister na si Atty. Garreth. Ibinahagi din nito, na ang nais niya talaga ay maging normal delivery ang kanyang panganganak, ngunit siya’y nauwi sa cesarean section, sa kabila nito ay ipinagpapasalamat niya na maayos at malusog ang kanyang baby ng isilang niya ito.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Saad nga ni Maricel, ang pagdating ni baby Grayson Maxwell sa buhay nilang mag-asawa, ay ang pinaka-magandang regalo na natanggap niya sa kanyang buhay ngayong nalalapit na ang Pakso.

Makikita naman sa comment section ng naturang episode ang napakaraming pagbati mula sa mga netizens, at marami sa mga ito ay natuwa sa naging reaksyon ng bagong lolo na si Raffy Tuflo, na talaga namang super proud sa kanyang napaka-cute na apo.

Si Raffy Tulfo, ay isa sa mga kilalang batikang journalist sa ating bansa. Ang kanyang mga programa na talaga na inaabangan at sinusubaybayan ng maraming mga manonood ay ang ‘Idol in Action’ at ‘Fronline Pilipinas’ na mapapanood sa TV5.

Maliban pa rito, ay kilala rin si Raffy Tulfo, bilang isang Youtuber sa kanyang channel na “Raffy Tulfo in Action”, na mayroon ng 17. 4 million na mga subscribers.

error: Content is protected !!