Connect with us

Entertainment

Ibinahagi ng aktres na si Lovely Abella ang Wedding Vlog nila ng Anak ni Jose Manalo na si Benj Manalo

Walang katumbas na kaligayahan ang madarama kapag ang inaasam na pangarap na makasama habang buhay ang taong mahal, ay maisakatuparan.

Ngunit, higit namang nakakataba ng puso kapag ang pamilya ng taong ating iniibig ay tanggap rin ang ating buong pagkatao, bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Wala ngang pagsidlan ng kaligayahan ang dancer at aktres na si Lovely Abella, matapos niyang matagpuan ang tunay na kaligayahan sa piling ng anak ng komedyanteng si Jose Manalo na si Benj Manalo.

At tulad rin ni Lovely, ay talagang masayang-masaya rin si Benj, dahil tinanggap rin siya ng aktres upang maging bahagi ng buhay nila ng anak nitong si Chrisha Kaye. Dahil nga nakita naman ni Lovely, ang mabuting intensyon ni Benj sa buhay niya, at talagang ipinakita at pinatunayan nito ang tunay na pagmamahal sa kanya, ay hindi na rin nagdalawang-isip pa si Lovely na tanggapin ito sa buhay nilang mag-ina.

At noong nakaraang buwan ng Enero, ay binigyang kasiyahan ni Benj ang kanyang partner na si Lovely, matapos ang kanilang intimate wedding ceremony. Saksi ang kanilang mga mahal sa buhay sa kanilang matamis na sumpaan na naganap sa Lemuria Gourmet Restaurant sa Quezon City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benj Manalo (@benj)

Matapos ibahagi ng newly wed sa kani-kanilang social media accounts, ang masayang kaganapan sa kanilang pag-iisang dibdib, ay agad naman itong hinangaan at umani ng positibong komento mula sa mga netizens, kung saan ay talagang kinilig sa kanilang kasweetan. Sa bawat mensahe nga ay makikita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benj Manalo (@benj)

Makikita naman si Lovely na sadyang napakaganda sa suot niyang wedding gown na ginawa ng mahusay na designer na si Steph Tan. Espesyal rin ang gown na ito para kay Lovely, dahil ito’y regalo sa kanya ng aktres na si Kathryn Bernardo na nakasama niya sa isang proyekto.

Samantala, sa kabila ng pangamba ni Benj kung magagampanan ba niya ang responsibilad sa kanilang pamilya ni Lovely, ay labis naman ang kayang tuwa dahil tanggap siya ng anak nitong Crisha Kaye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benj Manalo (@benj)

Ibinahagi ng dalawa ang kanilang pinagdaanan sa kanilang relasyon at pagmamahal sa isa’t isa. At ayon nga kay Benj, ay maihahalintulad sa isang pelikula ang pinagdaanan nila ni Lovely. Kaya naman ngayong ikinasal na sila, ay talagang gagawin ni Benj ang lahat upang mas lalo pang mahalin at pasayahin si Lovely at ang anak nito.

Sadyang napakapalad nga ni Lovely dahil may isang tulad ni Benj na magmamahal sa kanya ng habangbuhay. Si Benj naman ay maituturing ring mapalad, dahil ang isang tulad ni Lovely ang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos upang makasama sa pagtanda. Tunay nga na walang makakahadlang sa isang wagas na pag-iibigan.

error: Content is protected !!