Connect with us

Stories

‘Ibang iba ang pakiramdam’: Angeline Quinto, Ibinahagi ang Nadaramang Kalungkutan ng Ipagdiwang niya ang Unang Pasko na Hindi Kapiling ang Kanyang Mama Bob

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ipagdiwang ang espesyal na araw, tulad ng pasko kasama ang mga mahal sa buhay. Ngunit, paano kung ang mahal sa buhay na nakasanayang kasama sa pagdiriwang ng espesyal na araw na ito ay hindi natin kasama?




Labis nga ang kalungkutang nadarama ng singer na si Angeline Quinto, dahil sa unang pagkakataon ay hindi niya kasama ang kanyang Mama Bob sa pagdiriwang ng pasko.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

Kamakailan ay ibinahagi ni Angeline ang kanyang nadaramang kalungkutan na kanyang idinaan sa isang Instagram post.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

‘Ibang-iba ang pakiramdam’, ganito inilarawan ng singer ang kanyang nadarama ngayong pasko nang wala sa piling at hindi kasama ang kanyang Mama Silvia o mas kilala sa tawag na Mama Bob.

“Ito ang unang pasko na wala ka, Ma. Ibang iba ang pakiramdam pero sa 30 years ng buhay ko na kasama kita walang patlang ang pagmamahal na pinaramdam mo sa akin.”

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

Si Angeline ay adopted daughter ng kanyang Mama Bob, kaya naman ganun na lamang ang pasasalamat ng singer at nabigyan siya ng pagkakataong maging ina ito kung saan ay talagang ipinaramdam ang tunay na pagmamahal ng isang ina.

“Wala akong lubos na ipinagpapasalamat sa Panginoon, kundi ang pagtatagpo nating dalawa nung sanggol pa ako. Ikaw ang buhay at mundo ko, Mama Bob.”




Samantala, binati rin ni Angeline ang kanyang ina. Maging sa kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak ay nagpaabot rin siya ng pagbati. Pinaalalahanan naman ni Angeline ang kanyang mga tagahanga na ipadama ang buong pusong pagmamahal sa kanilang mga ina.

“Maligayang Pasko, Ma, dyan sa langit. At sa inyo pong lahat, kamag anak ko, katrabaho, kaibigan, yakapin niyo po ng mahigpit ang mga nanay niyo, lagi niyong ipaalala sakanila na Mahal na mahal niyo sila. Merry Christmas.”

Nakadama man ng kalungkutan ngayon kapaskuhan dahil hindi nakasama ang kanyang Mama Bob, ay patuloy namang hinaharap ni Angeline ang hamon ng buhay sa araw-araw.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Setyembre nang humiling ng panalangin sa publiko si Angeline para sa kagalingan ng kanyang Mama Bob matapos nitong ma-stroke. At noong nakaraang buwan nga ng Nobyembre, ay labis ang pagdadalamhati ng singer sa pagpanaw ng kanyang Mama Bob na mahal na mahal niya higit kanino man.

error: Content is protected !!