Connect with us

Entertainment

Ian Veneracion, Suportado ang Pagiging “Lesbian” Ng Kanyang Unica Hija na si Dids

Pinatunayan ng aktor na si Ian Veneracion ang kanyang labis na pagmamahal bilang isang ama sa kanyang nag-iisang anak na si Dids. Ito nga ay dahil buong pusong tinanggap at sinuportahan ng aktor ang kanyang anak nang lumantad ito sa publiko sa kanyang pagiging “lesbian”.

Credits: didsdaflyer | IG

Matatandaan na nang minsang mag-guest si Ian sa morning talk show na Magandang Buhay, ay ibinahagi aktor kung paanong ipinagtapat sa kanya ng kanyang unica hija na si Dids ang pagiging “lesbian” nito. Sa edad na 16 taong gulang ay alam na ni Dids ang kanyang gusto. At ito nga ay hindi lalaki dahil ang kanyang natitipuhan at nagugustuhan ay isang babae.

Kwento ni Ian ay “teary-eyed” raw na lumapit sa kanya si Dids habang siyang nag-aayos ng kanyang mga motor. Ayon sa aktor, sa paglapit ni Dids ay sinabi nito na may gusto itong sabihin sa kanya. Diretsahan ngang sinabi ni Dids na “I like girls”. Hindi naman nabigla pa si Ian sa sinabi ng kanyang anak at sinagot niya ng “Me too, I like girls”.

Credits: didsdaflyer | IG

Tila nagtataka si Dids sa kanyang sagot, kaya naman agad niyang ipinaliwanag sa kanyang anak na hindi ito dapat maging “apologetic” dahil kung ano man ang katauhan ng kanyang anak, ay tanggap niya ito ng buo. At maaari nitong gawin ang anumang nais sa buhay, kung saan nga ay susuportahan ni Ian ang kanyang unica hija.

Credits: didsdaflyer | IG

“Just don’t be ever apologetic about it, not even to me.’ Sabi ko, ‘You can be whoever you want to be and I have full support.”

Nagulat naman si Dids, dahil hindi niya akalain na matagal na palang alam ng kanyang ama ang kanyang tunay na pagkatao.

“Natawa siya. Sabi niya, ‘You know?’ Sabi ko, ‘Oo naman, bata ka pa ang macho mo na.’ So alam ko na dati.”

Credits: didsdaflyer | IG

Ibinahagi rin ni Ian ang kanyang mensahe para sa kanyang anak. Ayon nga sa aktor, hindi dapat sinasayang ang buhay at maging apologetic dahil isa lang ang buhay, kung saan ay dapat mailabas ang tunay na pagkatao para mag-enjoy.

“Nakakapanghinayang lang isa lang ang buhay natin. Tapos kapag nabuhay ka parang apologetic ka pa na nahihiya ka sa sarili mo, hindi mo mailabas ang pagkatao mo. Parang what a waste of life.”

Naikwento rin ni Ian kung paano niya sinabi sa kanyang asawa ang patungkol sa tunay na pagkatao ng kanilang unica hija.

“Eventually sinabi ko sa kanya (sa asawa ko). Sabi ko sa kanya, ‘Paano kapag nagka-boyfriend si Dids, okay lang?’ ‘Okay lang.’ ‘Paano kung magka-girlfriend si Dids, okay lang?’ Sabi niya, ‘Kung saan siya masaya, masaya ako.’ So she has full support of the whole family.”

Credits: didsdaflyer | IG

Napakapalad naman talaga ni Dids dahil buong pusong tinanggap ng kanyang mga magulang ang kanyang tunay na pagkatao. Nabanggit rin niya na talagang ramdam na ramdam niya ang pagmamahal at suporta ng kanyang mga magulang sa kanya. Madalas ring magbonding sina Dids at Ian at ilan sa kanilang ginagawa ay paragliding at sailing, pati na rin sa kanilang hobbies at interest ay magkasundong-magkasundo sila.

error: Content is protected !!