Connect with us

Health

‘I wish for healing, harmony and happiness’: Maxene Magalona, Masayang Nagdiwang ng Kanyang Ika-34th Birthday sa Bali, Indonesia Kasama ang Asawang si Robbie Mananquil

Pagbungad pa lang ng taong 2020, ay tila hindi na maganda ang salubong nito sa aktres na si Maxene Magalona. Ito nga ay dahil ibinunyag ng aktres na siya ay na-diagnosed na may Complex Post Traumatic Stress Disorder (C-PTSD). Dahil dito, ay nagpasya si Maxene kasama ang kanyang asawang si Robbie Mananquil na magtungo sa Bali, Indonesia upang sumailalim sa therapy tulad ng yoga session, daily meditation, at panalangin upang makatulong sa kanyang kondisyon.




Halos walong buwan na nga nang lisanin ng mag-asawa ang bansa upang magkaroon ng therapy si Maxene sa Bali, Indonesia. Magmula nang magpatupad ng lockdown noong March 15 dahil sa nararanasang pandemya sa bansa, ay nagpasya ang mag-asawa na manatili na lamang sa Bali. At ngayon nga, ang dating sumasailalim sa yoga training sa Bali na si Maxene ay nagtuturo na ngayon ng sarili niyang yoga online class.

Photo credits: Maxene Magalona | Instagram

Samantala, habang nasa Bali, nito lamang ika-23 ng Nobyembre ay masayang ipinagdiwang ng aktres ang kanyang ika-34th birthday. Sa espesyal na araw na ito, ay nag-alay si Maxene ng isang panalangin na puno ng pagpapasalamat at pagmamahal na kanyang ipinaabot sa kanyang mga mahal sa buhay at iba pang tao sa bawat sulok ng mundo.

Photo credits: Maxene Magalona | Instagram

Sa Instagram ay masayang ibinahagi ng aktres ang kanyang panalangin kung saan ay nilakipan ito ng throwback photo noong siya’y bata pa na kuha sa kanyang first communion.

Una nga, ay pinasalamatan ni Maxene ang Diyos sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanya. Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang pasasalamat sa mga hamon at pagsubok sa buhay na kanyang naranasan dahilan upang muli niyang makamtan ang tamang landas pabalik sa Diyos.

Photo credits: Maxene Magalona | Instagram

Ibinahagi rin ni Maxene sa kanyang Instagram post ang kanyang kahilingan para sa kanyang kaarawan. At ang tanging hangad nga ng aktres ay magkaroon ng “healing, harmony and happiness” ang buong mundo.

Photo credits: Maxene Magalona | Instagram




Photo credits: Maxene Magalona | Instagram

Humiling rin si Maxene na gabayan at pagpalain silang mag-asawa upang higit pa silang makapagsilbi sa Diyos. Nagpaabot rin ng pasasalamat si Maxene sa mga taong patuloy na ipinapakita ang pagsuporta sa kanya.

Photo credits: Maxene Magalona | Instagram

Narito ang mahaba at nakakaantig na post ni Maxene na naglalaman ng kanyang panalangin:

“Dear God, Thank You so much for adding another beautiful year to my life. You are the reason for my being and I sincerely apologize for letting my worldly distractions get in the way of my spiritual devotion. Thank You for all the trials, difficulties and hardships that I’ve experienced and have caused me to get lost in darkness to be able to find my way back to You. I’ve searched high and low for happiness and chased so many different kinds of pleasures but it was only in You that I found inner peace and immeasurable joy. Today, I wish for healing, harmony and happiness for the whole world. Please watch over our families and friends in the Philippines and protect our loved ones from harm. I humbly ask that You continue to bless our country and the rest of the world during these difficult times. May all beings be free from pain and suffering and may You help and heal those who need it most. I pray that You continue to guide me and my husband @robmananquil on our journey and give us more strength and wisdom to be able to serve You even more. I know I am not perfect and I do not strive to be but I am confident that Your love is and it is the only thing that I will ever need in this life. Amen.
Love, Maxene 🤍”

“P.S. Thank you to everyone who has been sending me your well wishes and prayers! If you feel it in your heart to share some love with me today, please do so by donating ANY amount to @feedphilippines and/or @sos.indonesia1. I would really appreciate it! Links for donations are in my bio 🙏🏼 God bless YOU ✨”

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati para sa kanyang kaarawan ang kanyang asawang si Robbie.

“You are a diamond in the rough, my love, so tough. Maybe you’ll get scratched through this dark mess but remember, your sparkle will never shine any less. Stay tough and don’t ever try to hide your shine. Happy Birthday, @maxenemagalona. I am so proud of you. I love you, regardless.”

error: Content is protected !!