Connect with us

Entertainment

“I will never be poor again. I try to be very smart when spending”: Vice Ganda, Magiging Wais na sa Paghawak at Paggasta ng Pera, Dahil Ayaw na Maranasan Ulit ang Maging Mahirap

Malayo na nga ang narating na tagumpay ng Unkabogable Star na si Vice Ganda. Ang mula sa hirap na komedyante ngayon nga, ay namumuhay na sa karangyaan.

Photo credits: google.com

Kaya naman, nangako si Vice Ganda sa kanyang sarili na magiging wais na siya sa paghawak at paggasta sa perang kanyang kinikita dahil nga ayaw na niyang maranasan ulit ang maging mahirap.

Photo credits: google.com

Sa isang panayam sa YouTube, ay inamin ng Phenomenal Box-Office Star na ang pagsa-shopping ang nagbibigay kaligayahan sa kanya. At noon nga raw ay talagang sobrang lala at napakalaki ng kanyang nagagastos tuwing magsa-shopping siya dahil talagang mga mamahalin at sikat na brand ang kanyang binibili. At nitong mga nakaraang buwan, ay malaki na ang naibawas sa kanyang gastos dahil nagtatakda na raw siya ng budget para sa kanyang pang shopping.

Kwento pa nga ni Vice, ay halos lahat ng bagay ay meron na siya, magmula sa bahay, sasakyan at maayos na rin ang buhay ng kanyang pamilya. Kung kaya’t naghahanap umano siya ng bagay na maaaring magpasaya sa kanya.

Photo credits: viceganda | Instagram

Paglilinaw naman ng komedyante, kahit na malakas siya gumastos sa pamimili, ay tinitiyak naman niya na hindi siya lumalagpas sa kanyang itinakdang budget. Pagtitiyak pa nga ni Vice, ang kanyang nagagastos sa pagsa-shopping ay hindi na aabot sa kalahati ng kanyang sahod o talent fee sa loob ng isang araw. At naniniwala naman si Vice na deserve rin niyang bigyan ng reward ang kanyang sarili dahil sa kasipagan niya sa trabaho kung saan ang magpapasaya sa kanya ay pagsa-shopping.

“May bahay na ako, may sasakyan na ako, okay naman na ‘yung family ko. Sabi ko kung ano na lang ‘yung mga little things na makakapagpasaya sa akin, I will purchase.”

Photo credits: viceganda | Instagram

Ayon pa nga kay Vice, ay hindi pa naman niya ikakahirap ang bagay na ito, ngunit kung sakaling dumating ang punto na maporma nga pero mahirap naman, ay ititigil na niya ito. Ang talagang nais lamang niya, ay maging stylish ngunit hindi mahirap. Binigyang-diin pa ni Vice na ayaw na niyang maging mahirap kung kaya’t nagiging wais na siya sa paggastos.

“I still buy, kasi one, it gives me joy and why not give myself joy? Second, it does not affect my finances. Hindi ko pa naman siya ikinahihirap, if it will make me stylish but poor, I will stop. I want to be stylish, but I don’t want to be poor. I will never be poor again. I try to be very smart when spending.“

Photo credits: viceganda | Instagram

Pagpapatuloy pa niya, ay parte rin ng trabaho niya bilang artista at TV host ang kanyang pamimili ng mga damit. Katulad na lamang nga sa It’s Showtime na araw-araw siyang napapanood ng publiko. At noong una nga raw ay hindi talaga siya nag-uulit ng damit dahil napapansin ng mga viewers.

Photo credits: viceganda | Instagram

Tiniyak naman ni Vice na hindi nasasayang ang napakaraming damit na kanyang binibili, at hindi na isinusuot dahil ibinibigay niya ito sa kanyang mga kaibigan. Ngunit, ngayon ay nag-uulit na siya ng damit, at patuloy rin namang namimili.

“Hindi rin talaga siya naiipon kasi kinukuha ng mga kaibigan ko. ‘Di ko talaga siya nauulit sa TV. E, since everyday ang show ko, so ang dami kong binibili talaga. Pero ngayon nag-uulit na talaga. Pero bumibili pa rin ako,”

error: Content is protected !!