Connect with us

Entertainment

‘I was super scared and vulnerable’: JC Santos, Ibinahagi ang Karanasan Bilang OFW sa Hongkong at Singapore sa Edad na 19

Nakakabilib naman talaga ang talento at kakayahan ng aktor na si JC Santos, hindi lamang sa pag-arte sa pelikula at teleserye. Dahil maliban dito, ay may natatagong husay rin si JC bilang isang singer at dancer.

At dahil sa kanyang taglay na talento, ay talagang bumuhos ang maraming proyekto sa kanyang karera sa showbiz. Ngayon nga, ay may bago na naman siyang proyektong pagbibidahan. Ito ang OFW film na The Eventologist, kung saan ang bawat eksena ay kukunan sa Qatar.

Sa mediacon ng pelikula sa ilalim ng Advocacy Global Studios noong nakaraang May 14, ay nakapanayam ang aktor sa bago niyang role, at dito ay nagbigay siya ng kaunting detalye tungkol sa kwento ng pelikula.

Photo credits: JC Santos | IG

“Siya yung gumagawa ng events, based siya sa Qatar eh. An OFW hosting events and pinapapunta ang mga artista galing sa Pilipinas para mag-perform sila sa Doha, Qatar. Nag-re-revolve yung kuwento sa buong pangyayari backstage while lahat ng nangyayaring events na ‘to sa labas. Kumbaga it’s the point of view of one person kung ano nangyayari behind the scenes,”mahabang kwento ni JC.

Photo credits: JC Santos | IG

Dahil nga, OFW ang kanyang gagampanang karakter sa pelikula, ay hindi naiwasan ni JC na makarelate sa kwento. Dito nga ay nagkwento ang aktor, na bago pa man siya makikilala sa showbiz, ay naging isa siyang OFW sa Hongkong at Singapore noong 19 taong gulang pa lamang siya sa loob ng apat na taon.

“I was a performer for both theme parks. The first time I went there I was 19 years old. I was curious kasi nung time na yun kasi OFW parents ko so gusto ko maintindihan bakit naghiwalay parents ko, kung bakit nila kailangan magtrabaho. So gusto ko maintindihan yung side nila. So I auditioned for Universal Studios Singapore and suwerte na I got in. Nung time na yun I was enjoying the whole thing. I was making money na tapos meron kang ganito kalaking money hindi mo alam gagawin mo (laughs).”

Photo credits: JC Santos | IG

Ito raw ang mga panahong hinahanap pa niya ang kanyang sarili. At ang talagang nais niyang gawin noon ay ang mag-perform. Naging matagumpay naman ang buhay ni JC sa ibang bansa bilang isang performer. At sa katunayan nito, ang perang kinita niya ay ginamit niya sa kanyang pag-aaral sa New York. Maliban rito ay nakapagpatayo rin siya ng sariling bahay. Ngunit, mas pinili ni JC na ipagpatuloy ang kanyang passion sa Pilipinas.

“Nung time na yun, I was still finding myself. I really wanted to be a performer. Ang pinaka main dream ko nun was to study in New York. Kubaga gagamitin ko itong iipunin ko habang OFW ako ngayon para makapag-aral ako sa New York. So yung ginamit ko na pera actually pinang-aral ko. Tapos eventually nakapagpatayo din ako ng bahay. Kasi ang plano ko lang talaga is to perform at nag-e-enjoy akong gawin yun sa Pilipinas.”

Photo credits: JC Santos | IG

Bagama’t masaya siya sa buhay bilang OFW at naeenjoy ang pagpeperform, isa raw sa matinding kalaban niya habang nasa ibang bansa ay ang lungkot at pangungulila sa mga mahal sa buhay. At ang bagay na ito, ay nagdulot sa kanya ng takot at pangamba.

Photo credits: JC Santos | IG

“Nung time na yun I was super scared and vulnerable every time kasi as a person dito sa Pilipinas meron kang mga comfort zone na pinupuntahan. Kunwari yung friend ko puwede ko lang puntahan ngayon any time. Puwede ko makita yung mga loved ones ko. Kapag nasa ibang bansa ka, wala. It’s like I’m working every time kahit na nasa bahay na ako at nag-re-relax.”

At ngayon nga, na umaarangkada na ang kanyang karera sa bansa at hindi na kinakailangang umalis pa para mag-OFW, ay ibinahagi niya na minsan na siyang nagbigay payo sa kanyang kaibigan na nais maging OFW.

Photo credits: JC Santos | IG

Photo credits: JC Santos | IG

“Ang last na in-advise-an ko no is performing now in Hong Kong Disneyland. Ang sabi ko, ‘You know what, hindi mo kailangan isipin. You have to do it now. Para pag nandun ka na, ikaw na bahala mag-assess kung gusto mo siya or hindi.’ Kasi iba iba ang interpretation ng mga tao diyan eh. Kapag nandiyan na sila may possibility ma-homesick na parang hindi na nila kaya, yung iba naman parang dito na lang ako forever.”

error: Content is protected !!