Connect with us

Entertainment

“I was raised by two men”: Miss Universe PH Candidate Simone Nadine Bornilla, Proud na Ibinahagi na Lumaki Siya sa Piling ng Kanyang “Gay Parents”

Walang paligoy-ligoy na ipinahayag ng kandidata ng Miss Universe Philippines na si Simone Nadine Bornilla kung gaano siya ka-proud sa kanyang “gay parents”. Si Simone Nadine ay 18 taong gulang kung saan ay representative ng Marinduque at kabilang sa Top 75 ng national pageant.

Credit: Simone Nadine Bornilla | Instagram

At kamakailan lamang nga, ika-6 ng Agosto sa interview kay Simone sa Sam Brusas Crown YouTube channel, ay matapang na sinagot ni Simone kung bakit isa sa kanyang advocacies ang pagiging LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer +) community ally. Ayon naman kay Simone, ay lumaki siya sa piling ng kanyang biological father at step father na parehong gay.

Dagdag pa nga ni Simone, ang kanyang gay parents ang nagsumikap na mapalaki siya nang maayos. Kaya naman, nais niyang iparinig ang kanyang tinig sa pagsulong ng kanyang adbokasiya sa LGBTQ community.

Credit: Simone Nadine Bornilla | Instagram

“I’ve lived with it. I grew up in a gay family. I was raised by two men. And it’s something I’ve lived with. Kaya I’m really passionate about these advocacies. I think I could use my voice to address.”

Kwento pa si Simone, ang kanyang gay parents ang nagsisilbi niyang inspirasyon at pinanghuhugutan ng lakas. Ayon pa kay Simone, ay inuuna ng kanyang mga magulang ang kanilang pamilya sa kabila ng mga nararanasang pang-aalipusta mula sa ibang tao.

“Sila yung pinaghuhugutan ko. I’ve always seen them marching towards anything that they think is a potential success.”

“They thought about their children, they thought about having to sustain us, and that was more important for them than their pride, having people ridicule them.I think if I were to ever grow up, I would want to be just as good as them.”

Credit: Simone Nadine Bornilla | Instagram

Samantala, si Simone ay dating initinanghal na Miss Teen Philippines at lumaban sa India para masungkit ang titulo ng Miss Teen International kung saan nga ay nakakuha siya ng continental title. Mailban sa pagiging isang beauty queen, ay masipag ring mag-aaral si Simone. Sa katunayan nga nito, ay incoming freshman na siya sa De La Salle University sa kursong Medical Biology.

Dahil nga talagang suportado siya ng kanyang gay parents, at kitang-kita rin niya ang pagsisikap ng mga magulang para maitaguyod sila ng kanyang kapatid para magkaroon ng maayos na buhay, ay hindi maikakaila na malaki ang paghanga ni Simone sa kanyang gay parents.

“My parents—both my biological father and my stepfather—we weren’t always living this comfortable life that we have right now.”

“We went through so much in life before we got here.”

“I always just look up to them that’s why I’m always advocating for people to dream big.”

Credit: Simone Nadine Bornilla | Instagram

Ngayon namang nabigyan siya ng pagkakataong lumaban sa MUP, ay nais niyang maging tinig para sa kanyang adbokasiya na tanggapin pa lalo ng publiko ang LGBTQ community, dahil malaki ang paniniwala ni Simone na kulang pa ang pagtanggap ng lipunan sa kanila.

“Though many people may think that it’s not such a prominent problem anymore, considering that there are a lot of LGBTQ+ community members in the country, I still think it’s something that we need to address.”

“Especially considering that we live in a country that is built on religious ideologies.”

Sabi pa niya, “There are still people who aren’t very welcoming of this idea, because they keep their conservative beliefs.”

“I don’t ever wish to ever disrespect that. I just wish for everyone to educate on this.”

“It’s bad whenever there are hate crimes to this community.”

Credit: Simone Nadine Bornilla | Instagram

Talaga namang proud na proud si Simone sa kanyang family background. Sa katunayan nito, ay kasama ang kanyang family background sa kanyang video introduction bilang kandidata ng MUP. Maliban dito, ay proud ring ibinahagi ni Simone ang tungkol sa kanyang pamilya sa kanyang Instagram account.

error: Content is protected !!