Connect with us

Entertainment

“I used to hide my pamasahe in my socks or bra” Lara Quigaman, Ikwenento ang Pinagdaanan na Hirap noong Estudyante pa siya sa Kolehiyo Bago Maging Isang Beauty Queen

May mga bagay sa ating buhay na pinapangarap natin noon pa mang ating kabataan,at kapag ito ay ating nabigyan ng katuparan ay tunay na ating ipinagpapasalamat sa Poong Maykapal, lalo na kapag mas higit pa sa ating pinangarap ang ipinagkaloob niya sa ating buhay.

Sa Instagram post ni Miss International title holder na si Lara Quigaman ay kanyang ibinahagi ang pasasalamat niya sa lahat ng mga magagandang pangyayari sa buhay niya ngayon. Katulad na lamang ng naging pagbisita niya at ng kanyang pamiya kamakailan lamang sa bansang Italya na ayon sa kanya noong bata pa siya ay isa ang naturang bansa sa mga dream travel destination niya.

“Being in Italy with my husband, enjoying the sight, the food, the experience, and just each other was wow! Those were things that I used to just dream about, you know?” ani Lara sa kanyang caption.

Dagdag pa niya tunay na napakabuti ng Diyos, dahil sa pagbibigay nito ng mga biyaya na higit pa sa pinangarap natin sa ating buhay.

“It was a humbling, overwhelming moment to realize how truly good God is, how He gives more than we ask.”

Nagbalik-tanaw din ang beauty queen sa buhay niya noong siya ay isang college student pa lamang, kung saan ibinahagi niya ang kakapusan na pinagdaanan niya dahil sa hirap ng buhay. Pagbabahagi niya, noon ay sumasakay lamang siya sa jeep para pumasok sa eskwela at talagang sapat lamang ang pera na mayroon siya.

“Quick college story—When I used to commute from Biñan, Laguna to UST in España, I always only had the exact amount of money for a meal, and enough money to get to school and back home”, saad ng 39-taong gulang na beauty queen.

Photo credits: Lara Quigaman | Instagram

Ibinahagi din niya na upang masigurado niya noon na makakauwi siya, ay talagang naka-safe keep ang pera niya lalo na’t sapat lamang ito na pangkain niya at pamasahe niya.

“I used to hide my pamasahe in my socks or bra [so] in case ma hold-up ang jeep na sinasakyan ko, eh makakauwi pa rin ako.”

Photo credits: Lara Quigaman | Instagram

Tunay ngang sa likod ng bawat tagumpay sa buhay ng isang indibidwal ay may mga pinagdaanan din silang karanasan at kahirapan sa buhay, tulad na lamang nga ng naging karanasan ni Lara Quigaman bago siya nakatungtong sa entablado ng Binibining Pilipinas.

Photo credits: Lara Quigaman | Instagram

Si Larah Quigaman ay kilala natin bilang isang beauty queen na hiniran na Miss International noon taong 2005. Maliban pa dito ay hinahangaan din siya dahil sa kanyang mga glorious OOTD na madalas niyang ibahagi sa kanyang Instagram account.

Photo credits: Lara Quigaman | Instagram

Hinahangaan din ng marami ngayon si Lara bilang isang butihing asawa ng aktor na si Marco Alcaraz at mapagmahal na ina ng kanilang tatlong anak.

error: Content is protected !!