Connect with us

Inspiring

“I promised not to leave him even if I win”: Rabiya Mateo, Nangako na Hindi Kaylanman Iiwan ang Kanyang Long-Time Boyfriend Kapag Nanalo Siya Bilang Miss Universe Philippines 2020

Matapos magwagi ng tubong Iloilo City na si Rabiya Mateo bilang bagong Miss Universe Philippines 2020, ay marami na ang naging interesado sa buhay ng beauty queen, lalo na sa kanyang personal na buhay.




Pinatunayan nga ni Rabiya ang kanyang angking husay at talento upang mapasakamay ang korona, ngunit hindi lang pala ito ang kahanga-hanga sa magandang katangian ng beauty queen. Dahil maliban sa dedikasyon at pagpupursige niyang masungkit ang korona ng Miss Universe Philippines, ay matindi rin pala ang pagmamahal niya sa kanyang nobyo.

Photo credits: google.com

Napag-alaman nga sa panayam ng ABS-CBN News, na may boyfriend si Rabiya, at ito ang kanyang first boyfriend na karelasyon na niya ng anim na taon.

“We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend… We’ve been together since college. I can make a man stay.”

Photo credits: google.com

Sa nasabing panayam, ay may ibinunyag ang pambato ng bansa sa International Miss Universe pageant.

At ngayon nga na si Rabiya na ang nagdadala ng korona, ay inamin niya na may sinumpaan siyang pangako sa kanyang very supportive at long-time boyfriend na hindi niya ito iiwan kapag nanalo siya bilang Miss Universe Philippines. At ang nasabing pangako ay may patunay pa umanong isang video bilang ebidensya.

“He made me promise not to leave him even if I win the Miss Universe Philippines crown. I have a video stating that! He made me do that.”

Talaga namang kahanga-hanga si Rabiya, dahil sa kabila ng mabigat na responsibilidad na dala ng pagiging beauty queen at ihemplo ng sangkatauhan, ay pinatunayan niya kung gaano niya kamahal ang nobyo sa hindi pag-iwan dito.

Photo credits: google.com

Tila naman nakasubaybay talaga ang mga tagahanga ni Rabiya sa kanyang buhay. Dahil nga, kahit walang sinasabing impormasyon o post si Rabiya patungkol sa kanyang boyfriend sa kanyang social media accounts, ay nalaman pa rin ang katauhan ng kanyang nobyo. Napag-alaman nga na ang nobyo ni Rabiya sa loob ng anim na taon, ay nagmula rin sa Iloilo City, at nagngangalang Neil Salvacion, isang nurse.




Samantala, sa isang panayam sa Iloilo City Bombo Radyo, ay proud na ibinahagi ni Rabiya kung gaano niya kamahal ang nobyo sa kabila ng nakaatang na responsibilidad sa kanya bilang Miss Universe Philippines 2020. At kahit nga anumang pagsubok ang dumating sa kanilang relasyon, ay tinitiyak ni Rabiya na hindi sila magkakahiwalay. Dahil bago pa man siya itanghal na Miss Universe Philippines 2020, ay kasama na niya ang nobyo sa buhay niya.

“If it’s true love, it will never end,” matalinghagang pahayag ni Rabiya sa panayam.

error: Content is protected !!