Connect with us

Entertainment

“I Miss u anak”: John Lloyd Cruz, Ibinahagi na Miss na Miss na niya ang kanyang Anak na si Elias

Hindi madali ang maging isang ama, lalo na sa responsibilidad na kaakibat nito. Kaya naman, bilang isang ama ay ginagawa ng lahat ng aktor na si John Lloyd Cruz ang kanyang tungkulin at responsibilidad sa kanyang anak na si Elias.

Si Elias ay anak ni John Lloyd sa kanyang dating kasintahan na si Ellen Adarna. Si Elias ay malapit nang tumuntong sa edad na tatlong gulang sa darating na June 27, na isinilang ni Ellen noong 2018.

Nauwi man sa hiwalayan ang relasyon nina John Lloyd at Ellen, ay nananatili namang isang mabuti at responsableng ama si John Lloyd kay Elias dahil sa co-parenting set up nila ni Ellen.

Photo credits: google.com

At kamakailan nga, ay napukaw ang atensyon ng mga netizens sa isang post ni Lloydie kung saan makikita ang kanyang pangungulila sa kanyang anak. Sa Instagram story ng aktor ay makikita ang kanyang larawan na nilakipan ng caption na “I Miss u anak”.

Photo credits: google.com

Marahil ay matagal nang hindi nakikita at nakakasama ni Lloydie ang kanyang anak. Tila ang huli nilang pagsasama ay noon pang pumunta sila ng Puerto Galera upang bisitahin si Willie Revillame.

Photo credits: google.com

Kamakailan rin lamang ng pagkaguluhan ang balitang muling pagbabalik sa industriya ng showbiz ni Lloydie. Ito marahil ang dahilan ng kanyang pagiging abala kung bakit hindi pa niya nakakasama ang kanyang anak.

Photo credits: google.com

At ngayon nga, ang kasama ni Elias ay ang ina nitong si Ellen Adarna. Madalas makita sa Instagram post ni Ellen ang masayang bonding nila ng kanyang anak na si Elias. Makikita rin na madalas makitang naglalaro si Elias at anak ng fiancee ni Ellen na si Derek Ramsay na si Austin.

Minsan naman nang ibinahagi ni Ellen, ang pagiging mabuting ama ni John Lloyd sa kanilang anak kung saan ay ginagampanan nitong mabuti ang responsibilidad bilang isang ama.

Photo credits: google.com

Samantala, sa muling pagbabalik sa showbiz ni Lloydie ay marami ang nakaabang ritong mga proyekto. Sa katunayan nga nito, ay minsan nang namataan ng publiko ang aktor sa kanyang taping.

Ngunit, tila hindi lamang larangan ng pag-arte ang balak pasukin ni John Lloyd sa kanyang pagbabalik sa showbiz. Dahil nitong nakaraang linggo lamang, ay agaw pansin rin ang ipinakitang pagkanta ni John Lloyd sa awiting “Yakap” na napanood sa isang programa ng GMA. At ang kahanga-hangang performance na ito ng aktor ay umagaw sa atensyon ng mahusay na kompositor na si Vehnee Saturno.

Tila nagustuhan ng kompositor ang magandang boses ni Lloydie. At kamakailan lamang nang ibahagi ni Vehnee ang larawan kasama si Lloydie habang nasa recording studio.

“Recording session with John Lloyd. Watch for his original songs very soon!”

error: Content is protected !!