Connect with us

Inspiring

“I have to keep myself busy” Flight Attendant, Naapektohan ang Mental Health ng Mawalan ng Trabaho dahil sa Pandemya, Ngayon Kumikita na sa Pagbebenta ng mga Prutas at Gulay

Sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya ay talaga namang marami sa atin ang nakaranas ng matinding hirap. Marami ang nawalan ng hanap buhay at mapagkakakitaan, at ang ilan nga ay nakaranas rin ng matinding stress at anxiety.

Photo credits: Emilia Marielle Cheva-Enrique Fruits | Facebook

Ngunit, sa kabila nga ng hirap at pagsubok na hatid ng pandemya, ay hindi naman nagpadaig ang ilan na ma-stress, bagkus nga ay gumawa ng paraan para lumaban at kumita. Katulad na lamang nga ng flight attendant na si Em Enrique na matapos mawalan ng trabaho matapos maapektuhan ng pandemya ang airlines na pinapasukan ay nagpasyang maghanap ng ibang mapagkakakitaan.

Photo credits: Emilia Marielle Cheva-Enrique Fruits | Facebook

Si Em ay nagtatrabaho na bilang flight attendant sa loob ng limang taon kung kaya’t hindi madali para sa kanya ang bigla na lang mawalan ng trabaho. Sa panahong siya’y nagtrabaho bilang flight ay nakaipon naman siya ngunit ang perang kanyang naipon ay ginamit niya para sa operasyon ng kanyang ina.

Photo credits: Emilia Marielle Cheva-Enrique Fruits | Facebook

Dahil nga, walang trabaho at wala ring kasiguraduhan ang naghihintay sa kanilang bukas, ay nakaranas ng anxiety si Em. Ngunit, sa kabila nga nito ay hindi sumuko si Em sa halip nga ay gumawa siya ng paraan para makabangong muli. At ang naisip niya nga ay magbenta ng prutas at gulay online.

“I took it as an opportunity to rest, pero sabi ko, I have to do something to preserve my mental health. I have to keep myself busy,” ayon kay Em.

Photo credits: Emilia Marielle Cheva-Enrique Fruits | Facebook

Sa pagsisimula ng kanyang munting negosyo ay mas nagpokus si Em sa pagbebenta ng avocado dahil ito ang talagang mabili ng mga sandaling iyon. Katulong naman ni Em sa pagdeliver ng mga order na prutas ay ang kanyang ina.

Photo credits: Emilia Marielle Cheva-Enrique Fruits | Facebook

Hindi naman talaga maitatanggi na mabenta sa mga tao ang kanyang tindang avocado dahil sa loob lamang ng dalawang araw magmula nang magtinda sila, ay nakakapaubos sila ng 80 kilos hanggang 100 kilos ng avocado.

Photo credits: Emilia Marielle Cheva-Enrique Fruits | Facebook

Bagama’t, ang kinikita ni Em sa pagtitinda ng prutas at gulay ay mas maliit kumpara sa sahod niya, ay malaki parin ang kanyang pasasalamat dahil natutustusan niya ang pangangailangan at gastusin ng kanilang pamilya.

Photo credits: Emilia Marielle Cheva-Enrique Fruits | Facebook

Samantala, nagbigay naman ng payo si Em sa mga tulad niyang nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. At ayon nga sa kanya ay maituturing na isang oportunidad ang pagdating ng pandemya para magawa ang mga bagay na sa tingin natin ay hindi natin kayang gawin.

“Hindi tayo mag-e-end doon sa regular job natin. We can stretch our potential, we can push ourselves. Yung hindi natin alam na kaya pala natin gawin, magagawa natin dahil sa pandemic na ito. So take that as an opportunity to improve ourselves”.

error: Content is protected !!