Connect with us

Stories

“I have put everything in God’s hands”: Former Miss Universe 1993 Dayanara Torres, Nakakaranas ng Matinding Pagsubok sa Buhay niya Ngayon

Marami ang humanga sa ganda at talento ng dating Miss Universe 1993 na si Dayanara Torres na talaga namang bagay na bagay sa kanya ang titulong Miss Universe dahil sa mala-dyosa niyang ganda. Si Dayanara ay isang Pierto Rican actress na bumisita sa Pilipinas noong 1994 upang koronahan ang bagong hirang na Miss Universe.




Dahil nga, sa ganda ng Pilipinas, matapos ang Miss Universe 199 pageant ay nagpasya ang beauty queen na manatili sa Pilipinas sa loob ng halos 5 taon. Sa mga panahong pananatili niya sa bansa, ay napabilang siya sa mga mahuhusay na aktres sa showbiz.

Marami nga ang naging proyekto ni Dayanara, kung saan napabilang siya sa ilang pelikula, teleserye, sitcoms at naging product endorser rin. Matatandaan na naging katambalan pa niya ang batikang aktor na si Aga Muhlach sa pelikula at nakarelasyon pa niya ng apat na taon.

Samantala, marami naman ang nagulat matapos mapabalita na na-diagnosed ang beauty queen sa isang malubhang karamdaman na tinatawag na ‘skin [email protected] melanoma’.

Ito nga ay kondisyon sa balat kung saan nagmumula sa mga nunal na kadalasang nakaexposed. Ang melanoma ay tumor sa melanocytes, isang pigment-producing cell na nagbibigay ng kulay sa ating balat.




Ang balitang ito patungkol sa kalagayan ng kalusugan ng aktres at beauty queen ay ibinahagi niya sa kanyang social media account. Ayon nga kay Dayanara, ay binalewala umano niya ang maliit na nunal na tumubo sa kanyang balat. At nang tumagal umano ito ay lumaki ng lumaki hanggang sa makumpirma na skin [email protected] na pala ito.

“Today I have some sad news… I have been diagnosed with skin [email protected] “melan0ma” from big spot or mole i never paid attention to, even though it was new, it has been growing for years and had uneven surface.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dayanara Torres (@dayanarapr) on

Samantala, bagama’t hiwalay na sa kanyang dating asawang singer na si Marc Anthony kung saan nagkaroon sila ng dalawang lalaking anak na sina Cristian Anthony Muñiz at Ryan Anthony Muñiz, ay lakas loob pa rin siyang lumalaban sa buhay kasama ang kanyang pamilya at mga anak.

Sa nararanasang ito ng dating beauty queen ay nagbigay naman siya ng payo sa mga netizens na mahalin at alagaan ang sarili. Ayon pa kay Dayanara, ay mas mainam umano na magpacheck up kapag may kakaibang nararamdaman sa katawan at huwag itong balewalain.

“PLEASE, never forget to take care of youself. If you see something or feel something different in your body have it checked.”

Hindi naman maikakaila na bagama’t dumadaan sa matinding pagsubok, ay nananatili parin ang katatagan at paniniwala niya sa Diyos. At ang lahat nga, ay ipinagkatiwala na niya sa Diyos dahil alam niya na tanging Siya lang ang may hawak sa lahat ng bagay.

“I have put everything in God’s hands and i know he has all control. My sons although a bit scared know about my faith and know they have a warrior of a mommy.”

error: Content is protected !!